Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #9 Translated in Filipino

أَجَعَلَ الْآلِهَةَ إِلَٰهًا وَاحِدًا ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ عُجَابٌ
“Ginawa ba niyang lahat ang mga diyos na maging Isang Diyos (Allah)? Katotohanang ito ay isang naiibang bagay!”
وَانْطَلَقَ الْمَلَأُ مِنْهُمْ أَنِ امْشُوا وَاصْبِرُوا عَلَىٰ آلِهَتِكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ يُرَادُ
At ang mga pinuno sa kanila ay lumalayo (ng walang pasensiya) at (nagsasabi): “Magsialis na kayo at maging matimtiman sa inyong mga diyos! Sapagkat katotohanang ito ay isang gawang bagay (na laban sa inyo)
مَا سَمِعْنَا بِهَٰذَا فِي الْمِلَّةِ الْآخِرَةِ إِنْ هَٰذَا إِلَّا اخْتِلَاقٌ
Hindi namin kailanman narinig (ang katulad nito) sa lipon ng mga tao ng huling relihiyon, ito ay wala ng iba kundi isang hinabing kuwento!”
أَأُنْزِلَ عَلَيْهِ الذِّكْرُ مِنْ بَيْنِنَا ۚ بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ مِنْ ذِكْرِي ۖ بَلْ لَمَّا يَذُوقُوا عَذَابِ
Ano? Ang Paala-ala baga ay ipinadala lamang sa kanya (sa gitna ng mga tao) mula sa karamihan namin? Hindi! Datapuwa’t sila ay nag-aalinlangan hinggil sa Aking Paala-ala (Qur’an)! Hindi! Datapuwa’t hindi pa nila nalalasap (ang Aking) Kaparusahan
أَمْ عِنْدَهُمْ خَزَائِنُ رَحْمَةِ رَبِّكَ الْعَزِيزِ الْوَهَّابِ
O mayroon ba silang mga Kaban ng Habag ng inyong Panginoon, - ang Kataas-taasan sa Kapangyarihan, ang Tagapagkaloob ng mga Biyaya ng walang pasubali

Choose other languages: