Surah Sad Ayahs #26 Translated in Filipino
إِذْ دَخَلُوا عَلَىٰ دَاوُودَ فَفَزِعَ مِنْهُمْ ۖ قَالُوا لَا تَخَفْ ۖ خَصْمَانِ بَغَىٰ بَعْضُنَا عَلَىٰ بَعْضٍ فَاحْكُمْ بَيْنَنَا بِالْحَقِّ وَلَا تُشْطِطْ وَاهْدِنَا إِلَىٰ سَوَاءِ الصِّرَاطِ
Nang sila ay tumungo kay david, siya ay nagulumihanan sa kanila, ngunit sila ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Kami ay dalawang (tao) na may usapin (pagtatalo), ang isa ay nakagawa ng kamalian sa isa, kaya’t kami ay iyong hatulan ng may katotohanan, at kami ay huwag mong turingan ng di-katarungan, datapuwa’t kami ay iyong gabayan sa Tuwid na Landas
إِنَّ هَٰذَا أَخِي لَهُ تِسْعٌ وَتِسْعُونَ نَعْجَةً وَلِيَ نَعْجَةٌ وَاحِدَةٌ فَقَالَ أَكْفِلْنِيهَا وَعَزَّنِي فِي الْخِطَابِ
“Katotohanan, ang taong ito ay aking kapatid (sa pananampalataya), siya ay mayroong siyamnapu at siyam na tupang babae, samantalang ako ay mayroon (lamang) isang tupang babae, at siya ay nagsabi: “Ibigay mo yaon sa akin, at ako ay natalo niya sa pagsasalita (pangangatwiran).”
قَالَ لَقَدْ ظَلَمَكَ بِسُؤَالِ نَعْجَتِكَ إِلَىٰ نِعَاجِهِ ۖ وَإِنَّ كَثِيرًا مِنَ الْخُلَطَاءِ لَيَبْغِي بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ إِلَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَقَلِيلٌ مَا هُمْ ۗ وَظَنَّ دَاوُودُ أَنَّمَا فَتَنَّاهُ فَاسْتَغْفَرَ رَبَّهُ وَخَرَّ رَاكِعًا وَأَنَابَ ۩
(Si david ay nangusap na hindi muna nakinig sa inihihinaing): “Siya ay walang alinlangan na nakagawa sa iyo ng kamalian nang kanyang hingin ang nag-iisa mong babaeng tupa upang idagdag sa kanyang (kawan) ng babaeng tupa. At katotohanang marami sa mga magkakasama ang nang-aapi ng iba, maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, at sila ay iilan lamang. At si david ay nakaramdam na siya ay Aming sinubukan at humingi siya ng kapatawaran sa kanyang Panginoon, nanikluhod, at yumuko (sa pagpapatirapa), at bumaling (kay Allah) sa pagsisisi
فَغَفَرْنَا لَهُ ذَٰلِكَ ۖ وَإِنَّ لَهُ عِنْدَنَا لَزُلْفَىٰ وَحُسْنَ مَآبٍ
Kaya’t siya ay pinatawad Namin, at katotohanang sasakanya ang pagiging malapit niya sa Amin, at ng isang mainam na lugar (ng huling) Pagbabalik (Paraiso)
يَا دَاوُودُ إِنَّا جَعَلْنَاكَ خَلِيفَةً فِي الْأَرْضِ فَاحْكُمْ بَيْنَ النَّاسِ بِالْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعِ الْهَوَىٰ فَيُضِلَّكَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَضِلُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ بِمَا نَسُوا يَوْمَ الْحِسَابِ
O David! Katotohanang ikaw ay ginawa Namin na maging tagapagmana sa kalupaan, kaya’t ikaw ay humatol sa pagitan ng mga tao sa katotohanan (at katarungan), at huwag mong sundin ang iyong pagnanasa, sapagkat ito ang magliligaw sa iyo sa Landas ni Allah. Katotohanang sila na naglilibot nang ligaw sa landas ni Allah ay makakasumpong ng matinding kaparusahan sapagkat kinalimutan nila ang Araw ng Pagsusulit
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
