Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #17 Translated in Filipino

وَثَمُودُ وَقَوْمُ لُوطٍ وَأَصْحَابُ الْأَيْكَةِ ۚ أُولَٰئِكَ الْأَحْزَابُ
At ni Thamud, at pamayanan ni Lut, at ang mga nananahan sa kakahuyan; sila ang mga magkakaanib
إِنْ كُلٌّ إِلَّا كَذَّبَ الرُّسُلَ فَحَقَّ عِقَابِ
wala isa man (sa kanila) ang hindi nagtakwil sa mga Tagapagbalita, kaya’t ang Aking Kaparusahan ay sumapit na makatarungan sa kanila
وَمَا يَنْظُرُ هَٰؤُلَاءِ إِلَّا صَيْحَةً وَاحِدَةً مَا لَهَا مِنْ فَوَاقٍ
At sila ay naghihintay lamang sa isang Matinding Sigaw (alalaong baga, ang pag-ihip sa Tambuli ni Anghel Israfil - Sarafil), at (sa sandaling ito ay sumapit), ito ay hindi magbabawa o maglulubay (hanggang ang lahat ay maglaho maliban kay Allah [ang tunay na diyos na Puspos ng Kamahalan, Kasaganaan at Karangalan)
وَقَالُوا رَبَّنَا عَجِّلْ لَنَا قِطَّنَا قَبْلَ يَوْمِ الْحِسَابِ
Sila ay nagsasabi: “o Panginoon! Madaliin Ninyo sa amin ang Inyong Qittana (paghatol, alalaong baga, ang Talaan ng mabubuti at masasamang gawa upang ito ay aming mamalas), bago pa dumatal ang Araw ng Pagsusulit!”
اصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَاذْكُرْ عَبْدَنَا دَاوُودَ ذَا الْأَيْدِ ۖ إِنَّهُ أَوَّابٌ
Maging matiyaga (o Muhammad) sa anumang sinasabi nila, at iyong alalahanin ang Aming tagapaglingkod na si david, isang tao na ginawaran ng katatagan at kapangyarihan. Katotohanang siya ay lagi nang lumilingon sa lahat ng bagay at sa pagsisisi (kay Allah)

Choose other languages: