Quran Apps in many lanuages:

Surah Saba Ayahs #21 Translated in Filipino

ذَٰلِكَ جَزَيْنَاهُمْ بِمَا كَفَرُوا ۖ وَهَلْ نُجَازِي إِلَّا الْكَفُورَ
Ito ang ganti na Aming ibinigay sa kanila sapagkat sila ay walang utang na loob at nagtatakwil ng pananampalataya. At hindi kailanman Kami naniningil sa gayong paraan maliban sa mga walang pasasalamat at walang pananalig
وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمْ وَبَيْنَ الْقُرَى الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا قُرًى ظَاهِرَةً وَقَدَّرْنَا فِيهَا السَّيْرَ ۖ سِيرُوا فِيهَا لَيَالِيَ وَأَيَّامًا آمِنِينَ
At inilagay Namin sa pagitan nila at sa mga bayan na Aming biniyayaan, ang mga bayan na madaling matagpuan, at ginawa Namin ang mga antas ng (paglalakbay) sa kanilang pagitan na maginhawa (na nagsasabi:) “Magsipaglakbay kayo rito ng ligtas sa gabi at araw.”
فَقَالُوا رَبَّنَا بَاعِدْ بَيْنَ أَسْفَارِنَا وَظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ فَجَعَلْنَاهُمْ أَحَادِيثَ وَمَزَّقْنَاهُمْ كُلَّ مُمَزَّقٍ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ
Datapuwa’t sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Gawin Ninyong ang mga antas sa pagitan ng aming paglalakbay ay mahahaba,” at ipinahamak nila ang kanilang sarili sa pagkakamali, kaya’t Aming ginawa silang mga kuwento (sa kalupaan), at Aming itinaboy silang lahat na ganap na nakakalat. Katotohanang naririto ang tunay na mga Tanda sa mga matitiyaga at may pasasalamat (na tao)
وَلَقَدْ صَدَّقَ عَلَيْهِمْ إِبْلِيسُ ظَنَّهُ فَاتَّبَعُوهُ إِلَّا فَرِيقًا مِنَ الْمُؤْمِنِينَ
At katotohanang si Iblis (Satanas) ang nagpatunay kung ano ang kanyang akala sa kanila, at sila ay sumunod sa kanya (Satanas), lahat sila, maliban sa isang lipon ng mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah)
وَمَا كَانَ لَهُ عَلَيْهِمْ مِنْ سُلْطَانٍ إِلَّا لِنَعْلَمَ مَنْ يُؤْمِنُ بِالْآخِرَةِ مِمَّنْ هُوَ مِنْهَا فِي شَكٍّ ۗ وَرَبُّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ حَفِيظٌ
At siya (si Iblis o si Satanas) ay walang kapamahalaan sa kanila, - maliban na Aming masubukan ang tao, na sumasampalataya sa Kabilang Buhay mula sa kanya na may pag-aalinlangan tungkol dito. At ang iyong Panginoon ay isang Hafiz sa lahat ng bagay (ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng bagay, alalaong baga, Siya ang nagtatangan ng Talaan ng bawat isang tao hinggil sa kanyang mga gawa at Siya ang magbibigay ng gantimpala sa kanila ayon sa kanilang ginawa)

Choose other languages: