Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #85 Translated in Filipino

وَاتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ آلِهَةً لِيَكُونُوا لَهُمْ عِزًّا
At sila ay tumangkilik (sa pagsamba) ng ibang mga diyos maliban pa kay Allah, upang sila ay makapagbigay sa kanila ng karangalan, kapangyarihan at kapurihan (at upang makapangalaga rin sa kanila sa kaparusahan ni Allah, atbp)
كَلَّا ۚ سَيَكْفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمْ وَيَكُونُونَ عَلَيْهِمْ ضِدًّا
Hindi, ang kanilang (tinatawag na mga diyos) ay magkakaila ng kanilang pagsamba sa kanila, at magiging mga kaaway nila (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
أَلَمْ تَرَ أَنَّا أَرْسَلْنَا الشَّيَاطِينَ عَلَى الْكَافِرِينَ تَؤُزُّهُمْ أَزًّا
Hindi baga ninyo namamasdan na Aming isinugo ang mga demonyo laban sa mga hindi sumasampalataya upang itulak sila na gumawa ng kasamaan
فَلَا تَعْجَلْ عَلَيْهِمْ ۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمْ عَدًّا
Kaya’t huwag kang magmadali laban sa kanila; Kami (Allah) ay nagbibilang lamang sa kanila sa bilang ng (natataningang) panahon (ng mga araw sa buhay sa mundong ito at nag-aantala sa kanilang taning upang sila ay maragdagan pa sa kasamaan at mga kasalanan)
يَوْمَ نَحْشُرُ الْمُتَّقِينَ إِلَى الرَّحْمَٰنِ وَفْدًا
Sa Araw na Aming titipunin ang Muttaqun (alalaong baga, ang mga matimtiman at matutuwid na tao na nangangamba ng labis kay Allah at umiiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at higit na nagmamahal kay Allah sa paggawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag- utos) tungo sa Pinakamapagbigay (Allah), na katulad ng isang kinatawan (na itinambad sa harap ng isang hari sa pagpaparangal)

Choose other languages: