Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #53 Translated in Filipino

فَلَمَّا اعْتَزَلَهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ ۖ وَكُلًّا جَعَلْنَا نَبِيًّا
Kaya’t nang siya ay tumalikod sa kanila at sa kanilang mga sinasamba maliban pa kay Allah, ay Aming ipinagkaloob sa kanya si Isaac at Hakob, at ang bawat isa sa kanila ay Aming hinirang na Propeta
وَوَهَبْنَا لَهُمْ مِنْ رَحْمَتِنَا وَجَعَلْنَا لَهُمْ لِسَانَ صِدْقٍ عَلِيًّا
At ipinagkaloob Namin sa kanila ang Aming Habag (isang masaganang biyaya at ikabubuhay), at iginawad Namin sa kanila ang karangalan sa mga dila (ng lahat ng mga bansa o pamayanan, alalaong baga, ang bawat isa ay nakakaala-ala sa kanila na may magagandang papuri)
وَاذْكُرْ فِي الْكِتَابِ مُوسَىٰ ۚ إِنَّهُ كَانَ مُخْلَصًا وَكَانَ رَسُولًا نَبِيًّا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Moises. Katotohanang siya ay hinirang, siya ay isang Tagapagbalita, (at) isang Propeta
وَنَادَيْنَاهُ مِنْ جَانِبِ الطُّورِ الْأَيْمَنِ وَقَرَّبْنَاهُ نَجِيًّا
At Aming tinawag siya sa kanang bahagi ng Bundok, at Aming pinahintulutan siya na makalapit sa Amin tungo sa isang pakikipag-usap sa kanya (Moises)
وَوَهَبْنَا لَهُ مِنْ رَحْمَتِنَا أَخَاهُ هَارُونَ نَبِيًّا
At ipinagkaloob Namin sa kanya ang kanyang kapatid na lalaki na si Aaron, (na isa ring) propeta, mula sa Aming Habag

Choose other languages: