Quran Apps in many lanuages:

Surah Luqman Ayahs #33 Translated in Filipino

أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى وَأَنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Hindi mo ba napagmamalas (O Muhammad) na pinaglagom ni Allah ang gabi sa maghapon (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa gabi ay idinagdag sa mga oras ng maghapon) at pinaglagom din Niya ang maghapon sa gabi (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa maghapon ay idinagdag sa mga oras ng gabi), at ipinailalim Niya ang araw at buwan (sa Kanyang mga Batas), na ang bawat isa ay tumatahak sa kanyang landas sa natatakdaang panahon; at si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa
ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ الْبَاطِلُ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ
Sapagkat si Allah, Siya ang Katotohanan, at lahat ng anumang kanilang tinatawagan maliban pa kay Allah ay Al-Batil (kasinungalingan, kabulaanan, Satanas, lahat ng huwad na mga diyos); at si Allah,- Siya ang Kataas- taasan, ang Pinakadakila
أَلَمْ تَرَ أَنَّ الْفُلْكَ تَجْرِي فِي الْبَحْرِ بِنِعْمَتِ اللَّهِ لِيُرِيَكُمْ مِنْ آيَاتِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ
Hindi baga ninyo napagmamasdan na ang mga barko ay nagsisilayag sa kapahintulutan ni Allah, upang maipamalas Niya sa inyo ang Kanyang mga Tanda? Katotohanang naririto ang mga Tanda sa lahat ng mga tao na matiyaga at nagbibigay ng pasasalamat
وَإِذَا غَشِيَهُمْ مَوْجٌ كَالظُّلَلِ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ فَلَمَّا نَجَّاهُمْ إِلَى الْبَرِّ فَمِنْهُمْ مُقْتَصِدٌ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا كُلُّ خَتَّارٍ كَفُورٍ
At kung ang isang alon ay lumukob sa kanila na tulad ng isang bubong (ng mga ulap o bundok ng tubig-dagat), sila ay tumatawag kay Allah, na nag-aalay lamang sa Kanya ng matapat na debosyon, datapuwa’t kung sila ay mailunsad na Niya nang ligtas sa kalupaan, mayroon sa kanilang karamihan ang nag-aalinlangan sa pagitan (ng katuwiran at kamalian, paniniwala at kawalan ng pananalig). Datapuwa’t walang sinuman ang nagtatakwil ng Aming mga Tanda maliban sa isang taksil at walang pasasalamat
يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمْ وَاخْشَوْا يَوْمًا لَا يَجْزِي وَالِدٌ عَنْ وَلَدِهِ وَلَا مَوْلُودٌ هُوَ جَازٍ عَنْ وَالِدِهِ شَيْئًا ۚ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ
o sangkatauhan! Tuparin ninyo ang inyong tungkulin sa inyong Panginoon (sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, paggawa ng kabutihan at pag-iwas sa lahat ng masasama) at pangambahan ninyo (ang pagdatal) ng Araw na ang ama ay hindi makikinabang sa sinuman sa kanyang anak, gayundin ang anak ay hindi makikinabang sa kanyang ama. Katotohanan, ang pangako ni Allah ay tunay, at huwag hayaan ang makamundong buhay na ito ay dumaya sa inyo at huwag din hayaan ang Punong Manlilinlang (Satanas) ay dumaya sa inyo tungkol kay Allah

Choose other languages: