Surah Luqman Ayahs #29 Translated in Filipino
وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
At kung sila ay iyong tatanungin (o Muhammad): “Sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan?”, sila ay katiyakang magsasabi: “Si Allah”. Ipagbadya: “Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah!” Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman
لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ
Si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan; katotohanang si Allah ay Al-Ghani (Masagana at hindi nangangailangan ng anuman), ang Karapat-dapat sa lahat ng pagpupuri
وَلَوْ أَنَّمَا فِي الْأَرْضِ مِنْ شَجَرَةٍ أَقْلَامٌ وَالْبَحْرُ يَمُدُّهُ مِنْ بَعْدِهِ سَبْعَةُ أَبْحُرٍ مَا نَفِدَتْ كَلِمَاتُ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
At kung ang lahat ng mga punongkahoy sa kalupaan ay mga panulat at ang karagatan (ay tinta na rito ay ipangsusulat), at may pitong karagatan sa likuran nito upang idagdag (sa tinta bilang panulat), magkagayunman, ang mga Salita ni Allah ay hindi magwawakas (o masasaid sa pamamagitan ng pagsulat). Katotohanang si Allah ay Tigib ng Kapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan
مَا خَلْقُكُمْ وَلَا بَعْثُكُمْ إِلَّا كَنَفْسٍ وَاحِدَةٍ ۗ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ
Ang pagkakalikha ninyong lahat at ang muling pagkabuhay ninyong lahat ay katulad lamang (ng paglikha at muling pagbuhay) ng isang tao. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakamasid
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى وَأَنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Hindi mo ba napagmamalas (O Muhammad) na pinaglagom ni Allah ang gabi sa maghapon (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa gabi ay idinagdag sa mga oras ng maghapon) at pinaglagom din Niya ang maghapon sa gabi (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa maghapon ay idinagdag sa mga oras ng gabi), at ipinailalim Niya ang araw at buwan (sa Kanyang mga Batas), na ang bawat isa ay tumatahak sa kanyang landas sa natatakdaang panahon; at si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
