Surah Luqman Ayahs #24 Translated in Filipino
أَلَمْ تَرَوْا أَنَّ اللَّهَ سَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَأَسْبَغَ عَلَيْكُمْ نِعَمَهُ ظَاهِرَةً وَبَاطِنَةً ۗ وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَابٍ مُنِيرٍ
Hindi baga ninyo napagmamasdan (O sangkatauhan) na ipinailalim ni Allah ang lahat ng bagay para sa inyong (gamit) dito sa kalangitan at kalupaan, at iginawad Niya at ginanap ang Kanyang mga biyaya na tigib na dumadaloy sa inyo sa angkop na sukat, (na kapwa) lantad (alalaong baga, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, at ang mga pinahihintulutang ligaya sa mundong ito, kasama na rito ang kalusugan, kayamanan, kagandahan, atbp.) at nalilingid (ang pananampalataya ng sinuman kay Allah [at sa Islam], kaalaman, karunungan, patnubay, paggawa ng kabutihan, at gayundin ang kasiyahan sa Kabilang Buhay sa Paraiso, atbp.)? Datapuwa’t mayroong mga tao sa kanilang karamihan ang nakikipagtalo tungkol kay Allah ng walang kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na magbibigay ng kaliwanagan
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اتَّبِعُوا مَا أَنْزَلَ اللَّهُ قَالُوا بَلْ نَتَّبِعُ مَا وَجَدْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا ۚ أَوَلَوْ كَانَ الشَّيْطَانُ يَدْعُوهُمْ إِلَىٰ عَذَابِ السَّعِيرِ
At kung ito ay ipinagbabadya sa kanila: “Sundin ninyo ang pahayag na ipinanaog ni Allah”, sila ay nagsasabi: “Hindi, aming susundin ang mga paraan na ginagawa ng aming mga ninuno.” Ano! Ito ba ay kanilang gagawin kahit na si Satanas ay nag-aanyaya sa kanila sa kaparusahan ng Apoy
وَمَنْ يُسْلِمْ وَجْهَهُ إِلَى اللَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ ۗ وَإِلَى اللَّهِ عَاقِبَةُ الْأُمُورِ
At sinuman ang magsuko ng kanyang ganap na sarili kay Allah (alalaong baga, ang sumunod sa Islam at tamang pananampalataya, ang sumamba lamang kay Allah nang may mataos na Pananalig sa Kanyang 1] Kaisahan at Pamamanginoon, 2] Tanging sa Kanya lamang ang Pagsamba, 3] Kaisahan ng Kanyang mga Pangalan at Katangian), samantalang siya ay Muhsin (gumagawa ng kabutihan, at nagsasagawa nito tungo sa Kapakanan ni Allah ng walang pagpaparangalan at gumagawa nito ayon sa Sunna [pamamaraan] ng Tagapagbalita ni Allah na si Muhammad), katotohanang siya ay nakasakmal ng pinakamatatag at mapagkakatiwalaang dakot (ang La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang diyos na karapat- dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). At kay Allah ang lahat ng bagay ay magbabalik tungo sa pagpapasya
وَمَنْ كَفَرَ فَلَا يَحْزُنْكَ كُفْرُهُ ۚ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ فَنُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Datapuwa’t kung sinuman ang magtakwil sa Pananampalataya, huwag hayaan ang kanilang pagtatakwil ay magbigay hapis sa iyo (o Muhammad); sa Amin ang kanilang pagbabalik, at ipapahayag Namin sa kanila ang katotohanan ng kanilang mga ginawa. Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakabatid kung ano ang lahat ng nasa puso (ng mga tao)
نُمَتِّعُهُمْ قَلِيلًا ثُمَّ نَضْطَرُّهُمْ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٍ
Ipinagkaloob Namin sa kanila ang kasiyahan sa maigsing sandali; at sa katapusan, sila ay Aming itataboy sa kaparusahan na walang pagmamaliw
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
