Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #52 Translated in Filipino

وَتَرَى الْمُجْرِمِينَ يَوْمَئِذٍ مُقَرَّنِينَ فِي الْأَصْفَادِ
At inyong mapagmamalas ang Mujrimun (mga buktot, buhong, hindi sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.), sa Araw na yaon ay natatanikalaan (ang Muqarranun [mga makasalanan, tampalasan, atbp.], na nagagapos ng tanikala ang kanilang mga paa at kamay nang sama-sama at nakakabit sa kanilang leeg
سَرَابِيلُهُمْ مِنْ قَطِرَانٍ وَتَغْشَىٰ وُجُوهَهُمُ النَّارُ
Ang kanilang kasuutan ng aspalto (o alkitran) at apoy ay babalot sa kanilang mukha
لِيَجْزِيَ اللَّهُ كُلَّ نَفْسٍ مَا كَسَبَتْ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ
Upang si Allah ay magbigay ganti sa bawat tao ayon sa kanyang kinita. Katotohanang si Allah ay Maagap sa Pagsusulit
هَٰذَا بَلَاغٌ لِلنَّاسِ وَلِيُنْذَرُوا بِهِ وَلِيَعْلَمُوا أَنَّمَا هُوَ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ وَلِيَذَّكَّرَ أُولُو الْأَلْبَابِ
Ito (ang Qur’an) ay isang Mensahe sa sangkatauhan (at isang maliwanag na katibayan laban sa kanila), upang sila ay mababalaan sa gayong paraan at upang kanilang mapag-alaman na Siya lamang ang Tanging Nag-iisang diyos (Allah), at upang ang mga tao na may pang-unawa ay sumunod

Choose other languages: