Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #31 Translated in Filipino

فَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ مَا نَرَاكَ إِلَّا بَشَرًا مِثْلَنَا وَمَا نَرَاكَ اتَّبَعَكَ إِلَّا الَّذِينَ هُمْ أَرَاذِلُنَا بَادِيَ الرَّأْيِ وَمَا نَرَىٰ لَكُمْ عَلَيْنَا مِنْ فَضْلٍ بَلْ نَظُنُّكُمْ كَاذِبِينَ
Ang mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang angkan ay nagsabi: “Ikaw ay namamasdan namin bilang isang tao na katulad namin, at hindi rin namin nakikita ang sinuman na sumusunod sa iyo maliban sa pinakahamak sa amin, at sila ay sumusunod sa iyo na hindi gumagamit ng kanilang pag-iisip. At wala kaming nakikita sa iyo na mahalaga na higit pa sa amin, sa katotohanan, ikaw ay itinuturing namin na isang sinungaling.”
قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كُنْتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَآتَانِي رَحْمَةً مِنْ عِنْدِهِ فَعُمِّيَتْ عَلَيْكُمْ أَنُلْزِمُكُمُوهَا وَأَنْتُمْ لَهَا كَارِهُونَ
Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sabihin ninyo sa akin, kung ako ay mayroong maliwanag na katibayan mula sa aking Panginoon, at isang Habag (pagka-Propeta, atbp.) ang dumatal sa akin mula sa Kanya, datapuwa’t ang gayong (Habag) ay nakukubli sa inyong paningin. Kayo ba ay pipilitin namin na tanggapin ito (ang Islam) kung kayo ay may matinding pagkapoot dito
وَيَا قَوْمِ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مَالًا ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۚ وَمَا أَنَا بِطَارِدِ الَّذِينَ آمَنُوا ۚ إِنَّهُمْ مُلَاقُو رَبِّهِمْ وَلَٰكِنِّي أَرَاكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُونَ
At, o aking pamayanan! Hindi ako nanghihingi sa inyo ng gantimpala hinggil dito, ang aking pabuya ay wala ng iba maliban lamang na mula kay Allah. Hindi ko itataboy ang mga sumasampalataya. Katotohanang makakatipan nila ang kanilang Panginoon, datapuwa’t aking napagmamalas na kayo ay mga hangal na tao
وَيَا قَوْمِ مَنْ يَنْصُرُنِي مِنَ اللَّهِ إِنْ طَرَدْتُهُمْ ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
At, o aking pamayanan! Sino ang makakatulong sa akin laban kay Allah, kung sila ay aking itaboy? Hindi baga kayo nagsasaalang-alang
وَلَا أَقُولُ لَكُمْ عِنْدِي خَزَائِنُ اللَّهِ وَلَا أَعْلَمُ الْغَيْبَ وَلَا أَقُولُ إِنِّي مَلَكٌ وَلَا أَقُولُ لِلَّذِينَ تَزْدَرِي أَعْيُنُكُمْ لَنْ يُؤْتِيَهُمُ اللَّهُ خَيْرًا ۖ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا فِي أَنْفُسِهِمْ ۖ إِنِّي إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ
At ako ay hindi nagsasabi sa inyo na nasa akin ang mga kayamanan ni Allah, at gayundin naman ay aking nababatid ang Ghaib (mga bagay na nakalingid); at hindi ko rin sinasabi na ako ay isang anghel, at hindi ko rin sinasabi na ang inyong mga minamaliit ay hindi pagkakalooban ni Allah ng biyaya. Nababatid ni Allah ang nasa loob ng kanilang sarili (kung tungkol sa pananalig, atbp.). Kung magkakagayon, ako ay katiyakang mapapabilang sa Zalimun (mga buhong, buktot, mapang- api, makasalanan, atbp.).”

Choose other languages: