Surah Hud Ayahs #5 Translated in Filipino
الر ۚ كِتَابٌ أُحْكِمَتْ آيَاتُهُ ثُمَّ فُصِّلَتْ مِنْ لَدُنْ حَكِيمٍ خَبِيرٍ
Alif, Lam, Ra (mga titik A, La, Ra). (Itoayisang)Aklat, naangmgaTalata aypinagingganap(sa bawat anggulo ng karunungan, atbp.), at ipinaliwanag nang masusi, na nagmula sa Tanging Isa (Allah), na Siyang Lubos na Maalam at Ganap na Nakakabatid (ng lahat ng bagay)
أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا اللَّهَ ۚ إِنَّنِي لَكُمْ مِنْهُ نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ
(Na nagsasabing) sambahin lamang si Allah. Katotohanang ako (Muhammad), ay mula sa Kanya para sa inyo bilang isang tagapagbabala at tagapaghatid ng Masayang Balita
وَأَنِ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ يُمَتِّعْكُمْ مَتَاعًا حَسَنًا إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى وَيُؤْتِ كُلَّ ذِي فَضْلٍ فَضْلَهُ ۖ وَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ كَبِيرٍ
At (nag-uutos sa inyo): “Hanapin ninyo ang pagpapatawad ng inyong Panginoon, at magsipanumbalik kayo sa Kanya ng may pagsisisi upang kayo ay mabiyayaan Niya ng mabuting pagsasaya sa natatatakdaang panahon, at ipagkaloob Niya ang Kanyang nag-uumapaw na Biyaya sa bawat nagmamay- ari ng biyaya (alalaong baga, ang mga tumutulong at naglilingkod sa mga nangangailangan at karapat-dapat sa pamamagitan ng kanyang lakas at kayamanan). Datapuwa’t kung kayo ay tumalikod, ako ay nangangamba para sa inyo sa kaparusahan ng dakilang Araw (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Kay Allah ang inyong pagbabalik, at Siya ay may Kakayahan na makagawa ng lahat ng bagay
أَلَا إِنَّهُمْ يَثْنُونَ صُدُورَهُمْ لِيَسْتَخْفُوا مِنْهُ ۚ أَلَا حِينَ يَسْتَغْشُونَ ثِيَابَهُمْ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
walang alinlangan! Itiniklop nila ang kanilang dibdib upang sila ay magkubli sa Kanya. Katotohanan, kahit na damitan nila ang kanilang sarili ng kasuutan, batid Niya kung ano ang kanilang ikinukubli at kung ano ang kanilang inilalantad. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakaalam (ng pinakaubod na mga lihim) ng mga dibdib
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
