Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #21 Translated in Filipino

أَفَمَنْ كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّهِ وَيَتْلُوهُ شَاهِدٌ مِنْهُ وَمِنْ قَبْلِهِ كِتَابُ مُوسَىٰ إِمَامًا وَرَحْمَةً ۚ أُولَٰئِكَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۚ وَمَنْ يَكْفُرْ بِهِ مِنَ الْأَحْزَابِ فَالنَّارُ مَوْعِدُهُ ۚ فَلَا تَكُ فِي مِرْيَةٍ مِنْهُ ۚ إِنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ
Sila ba (na mga Muslim) na tumatanggap ng maliliwanag na tanda (ang Qur’an) mula sa kanilang Panginoon, at sinundan ng isang Saksi (Muhammad) mula sa Kanya, (sila ba ay katumbas ng mga hindi sumasampalataya), at bago pa rito ay dumating ang Aklat ni Moises, isang patnubay at habag, sila ay nagsipaniwala rito, datapuwa’t yaong mga Sekta (mga Hudyo, Kristiyano at lahat ng mga di Muslim na bansa o pamayanan) na nagtatakwil dito (sa Qur’an), ang Apoy ang tagpuan na ipinangako sa kanila. Kaya’t huwag kayong mag-alinlangan tungkol dito (alalaong baga, sa mga pahayag na dala ni Muhammad at nagmula kay Allah, katiyakang sila ay papasok sa Impiyerno). walang pagsala, ito ang Katotohanan mula sa inyong Panginoon, datapuwa’t ang karamihan sa sangkatauhan ay hindi nananampalataya
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا ۚ أُولَٰئِكَ يُعْرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمْ وَيَقُولُ الْأَشْهَادُ هَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ كَذَبُوا عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ أَلَا لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ
At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng mga kasinungalingan laban kay Allah. Sila ang dadalhin sa harapan ng kanilang Panginoon, at ang mga saksi ay magsasabi: “Sila nga ang nagpasinungaling sa kanilang Panginoon!” walang alinlangan! Ang sumpa ni Allah ay nasa Zalimun (mga buhong, buktot, makasalanan, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, mapang-api, atbp)
الَّذِينَ يَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا وَهُمْ بِالْآخِرَةِ هُمْ كَافِرُونَ
Sila na humahadlang (sa mga iba) tungo sa Landas ni Allah (sa pagiging Tanging Isa Niya, at sa Islam), at humahanap ng kalikuan dito, habang sila ay hindi nananalig sa Kabilang Buhay
أُولَٰئِكَ لَمْ يَكُونُوا مُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ وَمَا كَانَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ أَوْلِيَاءَ ۘ يُضَاعَفُ لَهُمُ الْعَذَابُ ۚ مَا كَانُوا يَسْتَطِيعُونَ السَّمْعَ وَمَا كَانُوا يُبْصِرُونَ
Hindi, sa anupamang kaparaanan, sila ay hindi makakatakas (sa parusa ni Allah) sa kalupaan, at wala ring makakapangalaga sa kanila maliban kay Allah! Ang kaparusahan nila ay dadalawahin (dodoblehin)! Hindi nila matagalan na pakinggan (ang mga nangangaral ng katotohanan) at sila ay nasanay na hindi nakikita (ang katotohanan dahilan sa kanilang mariing pag- ayaw, kahima’t sila ay mayroong pandinig at pangmasid)
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ
Sila nga ang nagpabaya sa kanilang sarili, at ang kanilang mga huwad na diyus-diyosan ay maglalaho sa kanila

Choose other languages: