Surah Ghafir Ayahs #21 Translated in Filipino
الْيَوْمَ تُجْزَىٰ كُلُّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ ۚ لَا ظُلْمَ الْيَوْمَ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ
Sa Araw na yaon ang bawat tao (kaluluwa) ay babayaran sa anumang kanyang kinita. walang anumang di katarungan ang mananaig sa Araw na yaon sapagkat si Allah ay Maagap sa pagsusulit
وَأَنْذِرْهُمْ يَوْمَ الْآزِفَةِ إِذِ الْقُلُوبُ لَدَى الْحَنَاجِرِ كَاظِمِينَ ۚ مَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ حَمِيمٍ وَلَا شَفِيعٍ يُطَاعُ
Sila ay bigyan mo (o Muhammad) ng babala sa Araw na papalapit na (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), kung ang mga puso ay mangyaring bumara sa kanilang lalamunan at hindi nila maibabalik ang kanilang (mga puso) sa kanilang dibdib at gayundin na ito ay kanilang iluwa. walang sinumang kaibigan o tagapamagitan ang makakamtan ng Zalimun (mga hindi sumasampalataya, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kabuktutan, atbp.) upang makinig sa kanila
يَعْلَمُ خَائِنَةَ الْأَعْيُنِ وَمَا تُخْفِي الصُّدُورُ
Si Allah ang nakakabatid sa lahat ng pagtataksil (kadayaan) ng mga mata, at ng lahat ng mga itinatago ng mga puso (ng mga tao)
وَاللَّهُ يَقْضِي بِالْحَقِّ ۖ وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَقْضُونَ بِشَيْءٍ ۗ إِنَّ اللَّهَ هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ
At si Allah ay hahatol sa katotohanan (ng may katarungan) datapuwa’t ang kanilang mga tinatawagan maliban pa sa Kanya ay hindi makakahatol sa anumang bagay. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakamasid, ang Lubos na Nakakarinig (ng lahat ng bagay)
أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ كَانُوا مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا هُمْ أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ وَمَا كَانَ لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَاقٍ
Hindi baga sila nagsisipaglakbay sa kalupaan at napagmamalas kung ano ang kinasapitan ng mga nangauna sa kanila? Sila ay higit na mainam sa kanila sa lakas at sa mga bakas (na kanilang naiwan) sa kalupaan. Datapuwa’t si Allah ay sumakmal sa kanila sa kaparusahan dahilan sa kanilang kasalanan. At walang sinuman ang makakapangalaga sa kanila laban kay Allah
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
