Quran Apps in many lanuages:

Surah Fatir Ayahs #13 Translated in Filipino

وَاللَّهُ الَّذِي أَرْسَلَ الرِّيَاحَ فَتُثِيرُ سَحَابًا فَسُقْنَاهُ إِلَىٰ بَلَدٍ مَيِّتٍ فَأَحْيَيْنَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ كَذَٰلِكَ النُّشُورُ
Si Allah ang nagpapadala ng hanging habagat upang maitaas nito ang mga ulap, at itinaboy Namin ang mga ito (mga ulap) sa patay (tigang) na lupa, at (Aming) binuhay ang kalupaan pagkaraang mamatay (maging tigang). Ganito (ang mangyayari) sa Pagkabuhay (na mag-uli)
مَنْ كَانَ يُرِيدُ الْعِزَّةَ فَلِلَّهِ الْعِزَّةُ جَمِيعًا ۚ إِلَيْهِ يَصْعَدُ الْكَلِمُ الطَّيِّبُ وَالْعَمَلُ الصَّالِحُ يَرْفَعُهُ ۚ وَالَّذِينَ يَمْكُرُونَ السَّيِّئَاتِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ ۖ وَمَكْرُ أُولَٰئِكَ هُوَ يَبُورُ
Sinuman ang maghanap ng karangalan at kapangyarihan, kung gayon, si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng karangalan at kapangyarihan(atsiyaaymagkakamitlamangngkarangalan sa pamamagitan nang pagtalima at pagsamba kay Allah). Sa Kanya ay pumapanhik (ang lahat) ng mga dalisay na salita, at Siya ang nagpapadakila sa mga mabubuting gawa (alalaong baga, ang mga dalisay na salita ay hindi tinatanggap ni Allah maliban na ito ay nalalakipan ng mabuting gawa). At sila na nagpapakana ng kasamaan, sasakanila ang kahindik- hindik na kaparusahan; at ang pagpapakana nila ay walang patutunguhan
وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُطْفَةٍ ثُمَّ جَعَلَكُمْ أَزْوَاجًا ۚ وَمَا تَحْمِلُ مِنْ أُنْثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلْمِهِ ۚ وَمَا يُعَمَّرُ مِنْ مُعَمَّرٍ وَلَا يُنْقَصُ مِنْ عُمُرِهِ إِلَّا فِي كِتَابٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ
At si Allah ang lumikha sa iyo (Adan) mula sa alabok; at sumunod ay mula sa Nutfa (magkahalong semilya ng lalaki at babae, sa kanyang mga supling), at Kanyang ginawa kayo na magkapares (lalaki at babae). At walang babae ang magbubuntis o manganganak nang hindi Niya batid. At walang sinumang may gulang na tao na biniyayaan ng mahabang buhay, o binawasan ng bahagi ng kanyang buhay (o ng buhay ng iba pang tao) ang hindi nasa isang takdang Talaan (Al-Lauh-Al-Mahfuz). Katotohanang ito ay magaan lamang kay Allah
وَمَا يَسْتَوِي الْبَحْرَانِ هَٰذَا عَذْبٌ فُرَاتٌ سَائِغٌ شَرَابُهُ وَهَٰذَا مِلْحٌ أُجَاجٌ ۖ وَمِنْ كُلٍّ تَأْكُلُونَ لَحْمًا طَرِيًّا وَتَسْتَخْرِجُونَ حِلْيَةً تَلْبَسُونَهَا ۖ وَتَرَى الْفُلْكَ فِيهِ مَوَاخِرَ لِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
At ang dalawang dagat (uri ng tubig) ay hindi magkatulad. Ang isa ay maiinom at manamis-namis sa panlasa, ang isa ay maalat at mapait (sa panlasa). Datapuwa’t sa magkaibang uri ng tubig, kayo ay kumakain ng sariwa at malambot na laman (isda); at kayo ay nakakakuha ng mga palamuti na naisusuot; at napagmamasdan ninyo ang mga barko na (humihiwa sa tubig) habang naglalayag dito; upang kayo ay makasumpong ng Kasaganaan ni Allah at kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat
يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي لِأَجَلٍ مُسَمًّى ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ لَهُ الْمُلْكُ ۚ وَالَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ مَا يَمْلِكُونَ مِنْ قِطْمِيرٍ
Pinaglalagom Niya ang gabi sa araw (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa gabi ay idinadagdag sa mga oras ng maghapon) at pinaglalagom Niya ang araw sa gabi (alalaong baga, ang pag- igsi ng mga oras sa maghapon ay idinadagdag sa mga oras ng gabi); at ipinailalim Niya (sa Kanyang kapangyarihan at batas) ang araw at buwan, ang bawat isa (sa kanila) ay umiikot (tumatakbo) sa takdang daan sa natataningang panahon. Siya si Allah, ang inyong Panginoon, Siya ang nag-aangkin ng lahat ng Kaharian at Kapamahalaan. Ang inyong sinasamba maliban pa sa Kanya ay hindi man lamang nag-aangkin kahit na isang Qitmir (isang manipis na hibla ng buto ng palmera [datiles)

Choose other languages: