Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #85 Translated in Filipino

قُلْ إِنْ كَانَ لِلرَّحْمَٰنِ وَلَدٌ فَأَنَا أَوَّلُ الْعَابِدِينَ
Ipagbadya (O Muhammad): “Kung ang Pinakamapagpala (Allah) ay may anak na lalaki, (o mga supling na inyong iniaakibat sa Kanya), kung gayon, ako ang magiging una sa mga sasamba sa Kanya (datapuwa’t Siya, si Allah ay walang anak na lalaki o mga supling, kaya’t ako ang unang nagtatatwa at sumasalansang ng inyong paniniwala at una sa mga sasampalataya sa Kanya lamang at magpapatotoo na Siya ay walang mga anak).”
سُبْحَانَ رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kaluwalhatian sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at sa Panginoon ng Luklukan! Higit Siyang mataas sa lahat ng mga inihahalintulad (sa Kanya)
فَذَرْهُمْ يَخُوضُوا وَيَلْعَبُوا حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya’t hayaan sila na mangusap ng walang katuturan at magsipaglaro hanggang sa kanilang sapitin ang kanilang Araw na sa kanila ay ipinangako
وَهُوَ الَّذِي فِي السَّمَاءِ إِلَٰهٌ وَفِي الْأَرْضِ إِلَٰهٌ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْعَلِيمُ
Siya (lamang, si Allah) ang tanging Ilah (diyos na dapat sambahin) sa kalangitan at Ilah (diyos na dapat sambahin) sa kalupaan; at Siya ay Tigib ng Karunungan at Puspos ng Kaalaman
وَتَبَارَكَ الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَعِنْدَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
At kapuri-puri Siya na nag-aangkin ng lahat ng Kaharian sa kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, atnasa Kanyalamangangkaalamansa Oras, atsa Kanya kayong (lahat) ay magbabalik

Choose other languages: