Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #56 Translated in Filipino

أَمْ أَنَا خَيْرٌ مِنْ هَٰذَا الَّذِي هُوَ مَهِينٌ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ
Hindi baga ako ay higit na mainam sa kanya (Moises), siya na Mahin (walang dangal at hindi iginagalang, mahina at kasuklam-suklam), at halos hindi makapangusap sa kanyang sarili nang maliwanag?”
فَلَوْلَا أُلْقِيَ عَلَيْهِ أَسْوِرَةٌ مِنْ ذَهَبٍ أَوْ جَاءَ مَعَهُ الْمَلَائِكَةُ مُقْتَرِنِينَ
“ Bakit kaya hindi siya ginawaran ng mga gintong pulseras o di kaya ang mga anghel ay pinasama sa kanya?”
فَاسْتَخَفَّ قَوْمَهُ فَأَطَاعُوهُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ
Sa ganito nilinlang at iniligaw (ni Paraon) ang kanyang pamayanan, at sila ay sumunod sa kanya. Katotohanang sila ay Fasiqun (mga tao na palasuway at mapaghimagsik kay Allah)
فَلَمَّا آسَفُونَا انْتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَأَغْرَقْنَاهُمْ أَجْمَعِينَ
Kaya’t nang kanilang pinagalit Kami, Aming pinarusahan sila at nilunod silang lahat
فَجَعَلْنَاهُمْ سَلَفًا وَمَثَلًا لِلْآخِرِينَ
At Aming ginawa silang halintulad (bilang aral sa mga susunod na henerasyon pagkatapos nila) at bilang halimbawa sa mga darating na henerasyon

Choose other languages: