Surah Az-Zamar Ayahs #9 Translated in Filipino
خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۖ يُكَوِّرُ اللَّيْلَ عَلَى النَّهَارِ وَيُكَوِّرُ النَّهَارَ عَلَى اللَّيْلِ ۖ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ يَجْرِي لِأَجَلٍ مُسَمًّى ۗ أَلَا هُوَ الْعَزِيزُ الْغَفَّارُ
Nilikha Niya ang kalangitan at kalupaan sa katotohanan (ganap na sukat). Kanyang ginawa na ang gabi ay lumagom sa maghapon, at ang maghapon ay lumagom sa gabi. Ipinailalim Niya ang araw at buwan (sa Kanyang pag-uutos); at ang bawat isa ay tumatakbo (sa takdang daan) sa natataningang panahon. Katotohanang Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Lagi nang Nagpapatawad
خَلَقَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ ثُمَّ جَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا وَأَنْزَلَ لَكُمْ مِنَ الْأَنْعَامِ ثَمَانِيَةَ أَزْوَاجٍ ۚ يَخْلُقُكُمْ فِي بُطُونِ أُمَّهَاتِكُمْ خَلْقًا مِنْ بَعْدِ خَلْقٍ فِي ظُلُمَاتٍ ثَلَاثٍ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ لَهُ الْمُلْكُ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَأَنَّىٰ تُصْرَفُونَ
Kanyang nilikha kayong lahat mula sa iisang tao (Adan); at nilikha Niya (sa katulad na kalikasan, alalaong baga, mula sa malagkit na putik) ang kanyang kasama (Eba). At ipinadala Niya sa inyo ang walong pares ng hayop (lalaki at babaeng tupa, kambing, baka, at kamelyo). Kanyang nilikha kayo sa sinapupunan ng inyong ina sa maraming baitang (antas) nang magkakasunod sa tatlong lambong ng kadiliman. Siya si Allah, ang inyong Panginoon at Tagapanustos; sa Kanya ang lahat ng Kapamahalaan at Paghahari. La ilaha ill Allah (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Paano kayo napalayo (sa inyong tunay na Panginoon)
إِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ عَنْكُمْ ۖ وَلَا يَرْضَىٰ لِعِبَادِهِ الْكُفْرَ ۖ وَإِنْ تَشْكُرُوا يَرْضَهُ لَكُمْ ۗ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۗ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ مَرْجِعُكُمْ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Kung inyong itatakwil (si Allah), katotohanang si Allah ay hindi nangangailangan sa inyo; datapuwa’t hindi Niya naiibigan ang kawalan ng pasasalamat sa Kanyang mga alipin. Kung kayo ay may loob ng pasasalamat (sa pamamagitan ng pananampalataya), Siya ay nalulugod sa inyo. walang sinumang may dala ng pasanin (kasalanan) ang maaaring magdala ng pasanin (kasalanan) ng iba. Sa huli, sa inyong Panginoon ang inyong pagbabalik, at Kanyang sasabihin sa inyo kung ano ang inyong ginawa (sa buhay na ito). Sapagkat katotohanang ganap Niyang talastas ang lahat ng nasa puso (ng mga tao)
وَإِذَا مَسَّ الْإِنْسَانَ ضُرٌّ دَعَا رَبَّهُ مُنِيبًا إِلَيْهِ ثُمَّ إِذَا خَوَّلَهُ نِعْمَةً مِنْهُ نَسِيَ مَا كَانَ يَدْعُو إِلَيْهِ مِنْ قَبْلُ وَجَعَلَ لِلَّهِ أَنْدَادًا لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيلِهِ ۚ قُلْ تَمَتَّعْ بِكُفْرِكَ قَلِيلًا ۖ إِنَّكَ مِنْ أَصْحَابِ النَّارِ
Kung ang ilang kaguluhan ay dumatal sa tao, siya ay naninikluhod sa kanyang Panginoon, at bumabaling sa Kanya sa pagsisisi; datapuwa’t kung maigawad na Niya ang Kanyang paglingap sa kanya mula sa Kanyang Sarili ay nakakalimutan na niya ang kanyang ipinanikluhod noong una, at siya ay nagtatambal ng iba pa (sa pagsamba) kay Allah, upang iligaw ang iba sa Kanyang Tuwid na Landas. Ipagbadya: “Magpakaligaya kayo sa inyong kawalan ng pananampalataya sa maigsing sandali (lamang); katotohanang ikaw ay (isa) sa mga magsisipanahan saApoy!”
أَمَّنْ هُوَ قَانِتٌ آنَاءَ اللَّيْلِ سَاجِدًا وَقَائِمًا يَحْذَرُ الْآخِرَةَ وَيَرْجُو رَحْمَةَ رَبِّهِ ۗ قُلْ هَلْ يَسْتَوِي الَّذِينَ يَعْلَمُونَ وَالَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ ۗ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُولُو الْأَلْبَابِ
Siya kaya na masunurin kay Allah, na nagpapatirapa sa kanyang sarili o nakatindig (sa pagdarasal) sa mga oras ng gabi, na nangangamba sa Kabilang Buhay at umaasa sa Habag ng kanyang Panginoon (ay katulad ng isa na hindi nananampalataya)? Ipagbadya: “Sila kaya na may kaalaman ay katulad nila na walang kaalaman? Sila lamang na mga tao na may pang-unawa ang tatanggap ng paala-ala (alalaong baga, ang makakakuha ng aral sa mga Tanda at Talata ni Allah)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
