Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #33 Translated in Filipino

ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا رَجُلًا فِيهِ شُرَكَاءُ مُتَشَاكِسُونَ وَرَجُلًا سَلَمًا لِرَجُلٍ هَلْ يَسْتَوِيَانِ مَثَلًا ۚ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Si Allah ay nagpahayag ng isang talinghaga: Isang (lingkod) na tao na kasama sa karamihan ng mga nag-aakibat ng katambal (sa pagsamba kay Allah) at nagtatalo-talo sa bawat isa, at ng isang (lingkod) na tao na nabibilang nang ganap sa isang panginoon (na sumasamba lamang kay Allah); sila baga ay magkatulad kung paghahambingin? Ang lahat ng mga pagluwalhati at pasasalamat ay kay Allah! Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman
إِنَّكَ مَيِّتٌ وَإِنَّهُمْ مَيِّتُونَ
Katotohanang ikaw (o Muhammad, isang araw) ay mamamatay at katotohanang (isang araw) sila rin ay mamamatay
ثُمَّ إِنَّكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عِنْدَ رَبِّكُمْ تَخْتَصِمُونَ
At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, kayo ay magsisipagtalo-talo sa harapan ng inyong Panginoon
فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ كَذَبَ عَلَى اللَّهِ وَكَذَّبَ بِالصِّدْقِ إِذْ جَاءَهُ ۚ أَلَيْسَ فِي جَهَنَّمَ مَثْوًى لِلْكَافِرِينَ
Kung gayon, sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na umuusal ng kasinungalingan laban kay Allah, at nagtatakwil sa Katotohanan (sa Qur’an, kay Propeta Muhammad, sa Islam, sa Muling Pagkabuhay, sa gantimpala o kaparusahan ng mabubuti at masasamang gawa) kung ito ay dumatal sa kanya! wala kaya sa Impiyerno ang tirahan ng mga walang pananampalataya
وَالَّذِي جَاءَ بِالصِّدْقِ وَصَدَّقَ بِهِ ۙ أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُتَّقُونَ
At siya (Muhammad), nanagdalang Katotohanan(ng Qur’an, Islam at Kaisahan ni Allah) at (sila) na nagpapatotoo dito (mga tunay na sumasampalataya sa Islam at Kaisahan ni Allah), sila ang mga tao na Muttaqun (mga banal, matimtimang tao na gumagawa ng katuwiran at kabutihan)

Choose other languages: