Surah Az-Zamar Ayahs #23 Translated in Filipino
أَفَمَنْ حَقَّ عَلَيْهِ كَلِمَةُ الْعَذَابِ أَفَأَنْتَ تُنْقِذُ مَنْ فِي النَّارِ
Siya kaya na ang Pag-uutos (Salita) ng kaparusahan ay inilapat sa kanya nang makatarungan (ay katulad niya na umiiwas sa kasamaan). Ikaw ba (o Muhammad) ay magliligtas sa kanya na nasa Apoy
لَٰكِنِ الَّذِينَ اتَّقَوْا رَبَّهُمْ لَهُمْ غُرَفٌ مِنْ فَوْقِهَا غُرَفٌ مَبْنِيَّةٌ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَعْدَ اللَّهِ ۖ لَا يُخْلِفُ اللَّهُ الْمِيعَادَ
Datapuwa’t sila na may pangangamba kay Allah at nagpapanatili ng kanilang katungkulan sa kanilang Panginoon; (para) sa kanila ay itinayo ang matatayog na mansiyon na patong-patong, na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (alalaong baga, ang Paraiso). Ito ang Pangako ni Allah, at si Allah kailanman ay hindi sumisira sa Kanyang Pangako
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَسَلَكَهُ يَنَابِيعَ فِي الْأَرْضِ ثُمَّ يُخْرِجُ بِهِ زَرْعًا مُخْتَلِفًا أَلْوَانُهُ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَاهُ مُصْفَرًّا ثُمَّ يَجْعَلُهُ حُطَامًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكْرَىٰ لِأُولِي الْأَلْبَابِ
Hindi baga ninyo namamasdan na si Allah ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap at hinayaan Niya na ito ay sipsipin ng lupa, at pagkatapos ay Kanyang ginawa na ito ay sumibol bilang batis? At hinayaan Niya na sumibol dito ang iba’t ibang pananim na may iba’t ibang kulay; at pagkatapos ito ay nalanta at nanilaw, at ginawa Niya na ito ay matuyot at malasog. Katotohanang nasa sa mga ito ang isang Paala-ala sa mga tao na may pang-unawa
أَفَمَنْ شَرَحَ اللَّهُ صَدْرَهُ لِلْإِسْلَامِ فَهُوَ عَلَىٰ نُورٍ مِنْ رَبِّهِ ۚ فَوَيْلٌ لِلْقَاسِيَةِ قُلُوبُهُمْ مِنْ ذِكْرِ اللَّهِ ۚ أُولَٰئِكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Siya kaya na ang puso ay binuksan ni Allah sa Islam (naging Muslim) upang siya ay makatanggap ng liwanag mula kay Allah (ay hindi mainam kaysa sa may matigas na puso, alalaong baga, hindi Muslim)? Kasawian sa kanila na ang puso ay tumigas dahilan sa kawalan ng pag-aala-ala kay Allah! Sila ay lantad na naglilibot sa kamalian
اللَّهُ نَزَّلَ أَحْسَنَ الْحَدِيثِ كِتَابًا مُتَشَابِهًا مَثَانِيَ تَقْشَعِرُّ مِنْهُ جُلُودُ الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ ثُمَّ تَلِينُ جُلُودُهُمْ وَقُلُوبُهُمْ إِلَىٰ ذِكْرِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُدَى اللَّهِ يَهْدِي بِهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ
Si Allah ang nagpapapanaog sa pana-panahon ng pinakamagandang mensahe sa anyo ng isang Aklat, na ang mga bahagi nito (Qur’an) ay magkakawangki sa kabutihan at katotohanan, at malimit na binabanggit. Ang balat ng mga may pangangamba sa kanilang Panginoon ay nanginginig (kung ito [ang Qur’an] ay kanilang dinadalit o napapakinggan). At ang kanilang balat at kanilang puso ay lumalambot sa pag-aala-ala kay Allah. Ito ang patnubay ni Allah. Pinapatnubayan Niya ang sinumang Kanyang maibigan at sinumang hayaan ni Allah na mapaligaw, sa kanya ay walang makakapamatnubay
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
