Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tur Ayahs #48 Translated in Filipino

وَإِنْ يَرَوْا كِسْفًا مِنَ السَّمَاءِ سَاقِطًا يَقُولُوا سَحَابٌ مَرْكُومٌ
At kung sila ay makakita ng piraso ng kalangitan na nahuhulog, sila ay magsasabi: “Mga bunton lamang ng ulap na natipon!”
فَذَرْهُمْ حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي فِيهِ يُصْعَقُونَ
Kaya’t hayaan silang mag-isa hanggang sa kanilang makaharap ang Araw na sila ay manggigipuspos (na may pagkalagim)
يَوْمَ لَا يُغْنِي عَنْهُمْ كَيْدُهُمْ شَيْئًا وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ
Sa Araw na ang kanilang pakana ay walang buti na maidudulot sa kanila kahit na anuman, gayundinsilaayhindimatutulungan(alalaongbaga, kanilang tatanggapin ang kanilang kaparusahan sa Impiyerno)
وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا عَذَابًا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
At katotohanang sa mga gumagawa ng kamalian ay mayroon pang ibang kaparusahan (alalaong baga, ang kaparusahan sa mundong ito at sa kanilang libingan), bago pa rito, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman
وَاصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعْيُنِنَا ۖ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ
Kaya’t ikaw (O Muhammad) ay maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon sapagkat katotohanang ikaw ay nasa pangangalaga ng Aming mga Mata, at ipagbunyi mo ang mga papuri ng iyong Panginoon kung ikaw ay magbangon mula sa pagkakatulog

Choose other languages: