Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tur Ayahs #25 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَاتَّبَعَتْهُمْ ذُرِّيَّتُهُمْ بِإِيمَانٍ أَلْحَقْنَا بِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَمَا أَلَتْنَاهُمْ مِنْ عَمَلِهِمْ مِنْ شَيْءٍ ۚ كُلُّ امْرِئٍ بِمَا كَسَبَ رَهِينٌ
At sila na sumasampalataya na ang kanilang anak (pamilya) ay sumunod sa kanilang Pananalig, sa kanila ay Aming ipipisan ang kanilang anak (pamilya), at hindi Namin ipagkakait sa kanila (ang bunga) ng kanilang mga gawa. Ang bawat tao (kaluluwa) ay sanla sa bagay na kanyang kinita
وَأَمْدَدْنَاهُمْ بِفَاكِهَةٍ وَلَحْمٍ مِمَّا يَشْتَهُونَ
At ipagkakaloob Namin sa kanila ang bungangkahoy at karne, sa anumang kanilang maibigan
يَتَنَازَعُونَ فِيهَا كَأْسًا لَا لَغْوٌ فِيهَا وَلَا تَأْثِيمٌ
dito sila ay magpapalitan sa bawat isa ng kopita (ng alak) na walang bahid ng kahangalan at malinis sa kasalanan (sapagkat pinahihintulutan na rito ang pag-inom [ng alak)
وَيَطُوفُ عَلَيْهِمْ غِلْمَانٌ لَهُمْ كَأَنَّهُمْ لُؤْلُؤٌ مَكْنُونٌ
At sa paligid nila ay nagsisilbi ang mga matimtimang lalaki (na may angking kabataan at kakisigan), na tila ba mga perlas na napapangalagaan
وَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ
At ang ilan sa kanila ay lalapit sa iba na nagtatanong

Choose other languages: