Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tur Ayahs #22 Translated in Filipino

فَاكِهِينَ بِمَا آتَاهُمْ رَبُّهُمْ وَوَقَاهُمْ رَبُّهُمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ
Na nagtatamasa ng kasiyahan na ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Panginoon; at (sa katunayan) na ang kanilang Panginoon ang nagligtas sa kanila sa kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy
كُلُوا وَاشْرَبُوا هَنِيئًا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
(At sa kanila ay ipagtuturing): “Kumain kayo at uminom ng may kasiyahan dahilan sa inyong mabubuting gawa.”
مُتَّكِئِينَ عَلَىٰ سُرُرٍ مَصْفُوفَةٍ ۖ وَزَوَّجْنَاهُمْ بِحُورٍ عِينٍ
Sila ay magsisihilig (ng may kaginhawahan) sa mga diban na inayos sa maraming bilang; at Aming ikakasal sila sa mga Houris (magagandang dalaga), na nag-aangkin ng magaganda, mabibilog at maningning na mga mata
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَاتَّبَعَتْهُمْ ذُرِّيَّتُهُمْ بِإِيمَانٍ أَلْحَقْنَا بِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَمَا أَلَتْنَاهُمْ مِنْ عَمَلِهِمْ مِنْ شَيْءٍ ۚ كُلُّ امْرِئٍ بِمَا كَسَبَ رَهِينٌ
At sila na sumasampalataya na ang kanilang anak (pamilya) ay sumunod sa kanilang Pananalig, sa kanila ay Aming ipipisan ang kanilang anak (pamilya), at hindi Namin ipagkakait sa kanila (ang bunga) ng kanilang mga gawa. Ang bawat tao (kaluluwa) ay sanla sa bagay na kanyang kinita
وَأَمْدَدْنَاهُمْ بِفَاكِهَةٍ وَلَحْمٍ مِمَّا يَشْتَهُونَ
At ipagkakaloob Namin sa kanila ang bungangkahoy at karne, sa anumang kanilang maibigan

Choose other languages: