Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tur Ayahs #20 Translated in Filipino

اصْلَوْهَا فَاصْبِرُوا أَوْ لَا تَصْبِرُوا سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
“Inyong lasapin dito ang init, at kahit na kayo ay matiisin sa ganito o hindi matiisin sa ganito, itong lahat ay magkakatulad. Kayo ay tumanggap lamang ng kabayaran sa inyong mga gawa.”
إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَنَعِيمٍ
Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na lubhang nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng kasalanan, at lubhang nagmamahal kay Allah at nagsasagawa ng lahat ng kabutihan at gumaganap sa mga ipinag-uutos ni Allah), ay mapapasa-Halamanan (ng Paraiso) at Sukdol na Kaligayahan
فَاكِهِينَ بِمَا آتَاهُمْ رَبُّهُمْ وَوَقَاهُمْ رَبُّهُمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ
Na nagtatamasa ng kasiyahan na ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Panginoon; at (sa katunayan) na ang kanilang Panginoon ang nagligtas sa kanila sa kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy
كُلُوا وَاشْرَبُوا هَنِيئًا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
(At sa kanila ay ipagtuturing): “Kumain kayo at uminom ng may kasiyahan dahilan sa inyong mabubuting gawa.”
مُتَّكِئِينَ عَلَىٰ سُرُرٍ مَصْفُوفَةٍ ۖ وَزَوَّجْنَاهُمْ بِحُورٍ عِينٍ
Sila ay magsisihilig (ng may kaginhawahan) sa mga diban na inayos sa maraming bilang; at Aming ikakasal sila sa mga Houris (magagandang dalaga), na nag-aangkin ng magaganda, mabibilog at maningning na mga mata

Choose other languages: