Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #42 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ اسْتَجَابُوا لِرَبِّهِمْ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَأَمْرُهُمْ شُورَىٰ بَيْنَهُمْ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ
At sila na dumirinig sa panawagan ng kanilang Panginoon at nagsasagawa ng palagiang pagdarasal, na nagpapalakad ng kanilang buhay-buhay at mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsasanggunian; at gumugugol (sa kawanggawa) sa anumang ipinagkaloob Namin sa kanila
وَالَّذِينَ إِذَا أَصَابَهُمُ الْبَغْيُ هُمْ يَنْتَصِرُونَ
At sila, na kung ang pang-aapi ay gawin sa kanila, (ay hindi naduduwag at) nagtutulungan upang ipagtanggol ang kanilang sarili
وَجَزَاءُ سَيِّئَةٍ سَيِّئَةٌ مِثْلُهَا ۖ فَمَنْ عَفَا وَأَصْلَحَ فَأَجْرُهُ عَلَى اللَّهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ
Ang katumbas sa isang kasamaan ay isang kasamaan din na katulad nito, datapuwa’t sinumang magpatawad at makipagkasundo, ang kanyang gantimpala ay mula kay Allah; sapagkat si Allah ay hindi nagmamahal sa Zalimun (mga tampalasan, buhong, buktot, mapang- api, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp)
وَلَمَنِ انْتَصَرَ بَعْدَ ظُلْمِهِ فَأُولَٰئِكَ مَا عَلَيْهِمْ مِنْ سَبِيلٍ
At katotohanan, kung sinuman ang tumulong at magtanggol ng kanyang sarili makaraang ang kabuktutan ay (ginawa) sa kanya; ito ay hindi kasalanan at walang maisusumbatlabansakanila
إِنَّمَا السَّبِيلُ عَلَى الَّذِينَ يَظْلِمُونَ النَّاسَ وَيَبْغُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Angparaan(ngpanunumbat o kasalanan) ay laban lamang sa mga nang-aapi sa mga tao at tandisang nagmamalabis sa lahat ng hangganan ng pagsuway sa kalupaan, na yumuyurak sa katuwiran at katarungan; sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan

Choose other languages: