Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #20 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ يُحَاجُّونَ فِي اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مَا اسْتُجِيبَ لَهُ حُجَّتُهُمْ دَاحِضَةٌ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَعَلَيْهِمْ غَضَبٌ وَلَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ
At sa mga nagsisipagtalo-talo tungkol kay Allah (sa Kanyang Relihiyong Islam, sa Kanyang Kaisahan, sa kanila ay isinugo si Propeta Muhammad), matapos na ito ay tanggapin (ng mga tao), walang saysay ang kanilang mga pagtatalo-talo sa Paningin ni Allah, at sasakanila ang Poot, at sa kanila ay sasapit ang Matinding Kaparusahan
اللَّهُ الَّذِي أَنْزَلَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ وَالْمِيزَانَ ۗ وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّ السَّاعَةَ قَرِيبٌ
Si Allah ang nagpapanaog ng Aklat (Qur’an) sa katotohanan at ng Timbangan (upang maging makatarungan). At ano ang makakapagbigay sa inyo ng kaalaman, na marahil, ang Takdang oras ay nalalapit na
يَسْتَعْجِلُ بِهَا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِهَا ۖ وَالَّذِينَ آمَنُوا مُشْفِقُونَ مِنْهَا وَيَعْلَمُونَ أَنَّهَا الْحَقُّ ۗ أَلَا إِنَّ الَّذِينَ يُمَارُونَ فِي السَّاعَةِ لَفِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ
Sila na hindi nananalig dito ay naghahangad na madaliin ito, datapuwa’t ang mga sumasampalataya ay nangangamba rito, at nababatid nila na ito ang sukdol na Katotohanan. Katotohanan, ang mga nagtatalo-talo tungkol sa Takdang oras ay katiyakang nasa pagkaligaw na malayo
اللَّهُ لَطِيفٌ بِعِبَادِهِ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ ۖ وَهُوَ الْقَوِيُّ الْعَزِيزُ
Si Allah ang Pinakamapagbigay at Pinakamabuti sa Kanyang mga alipin; Siya ang nagtataguyod ng ikabubuhay ng sinumang Kanyang maibigan, at Siya ay Tigib ng Lakas, ang Ganap na Makapangyarihan
مَنْ كَانَ يُرِيدُ حَرْثَ الْآخِرَةِ نَزِدْ لَهُ فِي حَرْثِهِ ۖ وَمَنْ كَانَ يُرِيدُ حَرْثَ الدُّنْيَا نُؤْتِهِ مِنْهَا وَمَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ مِنْ نَصِيبٍ
Sinumang magnais (sa pamamagitan ng kanyang mga gawa) ng gantimpala ng Kabilang Buhay, Kami ang nagbibigay ng dagdag sa kanyang gantimpala, at sinumang magnais ng gantimpala sa mundong ito (sa pamamagitan ng kanyang mga gawa), ibibigay din Namin ito sa kanya (kung anuman ang nasusulat sa kanya), datapuwa’t siya ay walang magiging bahagi sa Kabilang Buhay

Choose other languages: