Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #18 Translated in Filipino

وَمَا تَفَرَّقُوا إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَبِّكَ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّ الَّذِينَ أُورِثُوا الْكِتَابَ مِنْ بَعْدِهِمْ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مُرِيبٍ
At sila ay nagbaha-bahagi lamang nang ang kaalaman ay makarating sa kanila, sila na lumalabag sa makasariling pagsuway sa bawat isa. At kung hindi lamang sa Salita na ipinangusap sa kanila noong una mula sa iyong Panginoon sa natatakdaang panahon, ang pangyayari ay napagpasiyahan na sa pagitan nila. Datapuwa’t katotohanan, ang mga ginawaran na magmana ng Aklat (Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) pagkatapos nila (mga Hudyo at Kristiyano) ay nasa malaking alinlangan patungkol dito (alalaong baga, sa Relihiyon ni Allah, sa Islam o sa Qur’an)
فَلِذَٰلِكَ فَادْعُ ۖ وَاسْتَقِمْ كَمَا أُمِرْتَ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ ۖ وَقُلْ آمَنْتُ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنْ كِتَابٍ ۖ وَأُمِرْتُ لِأَعْدِلَ بَيْنَكُمُ ۖ اللَّهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ ۖ لَنَا أَعْمَالُنَا وَلَكُمْ أَعْمَالُكُمْ ۖ لَا حُجَّةَ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمُ ۖ اللَّهُ يَجْمَعُ بَيْنَنَا ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ
Ngayon, sa ganitong dahilan (sa relihiyon ng Islam at sa Qur’an), ikaw (O Muhammad) ay matimtimang manawagan sa kanila sa paraang ikaw ay pinag-utusan at huwag mong tularan ang kanilang maimbot na pagnanasa, at ikaw ay magbadya: “Ako ay nananalig sa anumangAklat na ipinarating ni Allah (ang Qur’an na ito, at ang mga Aklat ng Torah noonpanguna, atng Ebanghelyooangmga Kalatasni Abraham), at ako ay pinag-utusan na maging makatarungan sa inyo. Si Allah ang ating Panginoon at inyong Panginon. Sa amin (ang pananagutan) ng aming mga gawa at sa inyo ang inyong mga gawa. walang pagtatalo sa pagitan natin. Si Allah ang magtitipon sa atin at sa Kanya ang ating Huling Pagbabalik
وَالَّذِينَ يُحَاجُّونَ فِي اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مَا اسْتُجِيبَ لَهُ حُجَّتُهُمْ دَاحِضَةٌ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَعَلَيْهِمْ غَضَبٌ وَلَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ
At sa mga nagsisipagtalo-talo tungkol kay Allah (sa Kanyang Relihiyong Islam, sa Kanyang Kaisahan, sa kanila ay isinugo si Propeta Muhammad), matapos na ito ay tanggapin (ng mga tao), walang saysay ang kanilang mga pagtatalo-talo sa Paningin ni Allah, at sasakanila ang Poot, at sa kanila ay sasapit ang Matinding Kaparusahan
اللَّهُ الَّذِي أَنْزَلَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ وَالْمِيزَانَ ۗ وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّ السَّاعَةَ قَرِيبٌ
Si Allah ang nagpapanaog ng Aklat (Qur’an) sa katotohanan at ng Timbangan (upang maging makatarungan). At ano ang makakapagbigay sa inyo ng kaalaman, na marahil, ang Takdang oras ay nalalapit na
يَسْتَعْجِلُ بِهَا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِهَا ۖ وَالَّذِينَ آمَنُوا مُشْفِقُونَ مِنْهَا وَيَعْلَمُونَ أَنَّهَا الْحَقُّ ۗ أَلَا إِنَّ الَّذِينَ يُمَارُونَ فِي السَّاعَةِ لَفِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ
Sila na hindi nananalig dito ay naghahangad na madaliin ito, datapuwa’t ang mga sumasampalataya ay nangangamba rito, at nababatid nila na ito ang sukdol na Katotohanan. Katotohanan, ang mga nagtatalo-talo tungkol sa Takdang oras ay katiyakang nasa pagkaligaw na malayo

Choose other languages: