Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Ayahs #32 Translated in Filipino

فَإِنْ لَمْ تَجِدُوا فِيهَا أَحَدًا فَلَا تَدْخُلُوهَا حَتَّىٰ يُؤْذَنَ لَكُمْ ۖ وَإِنْ قِيلَ لَكُمُ ارْجِعُوا فَارْجِعُوا ۖ هُوَ أَزْكَىٰ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌ
At kung wala kayong matagpuan doon, gayunpaman, huwag kayong magsipasok hanggang walang naibibigay na pahintulot. At kung kayo ay pagsabihan na magsibalik, kayo ay magsibalik, sapagkat ito ay higit na dalisay sa inyo, at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng inyong ginagawa
لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَدْخُلُوا بُيُوتًا غَيْرَ مَسْكُونَةٍ فِيهَا مَتَاعٌ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ
Hindi isang kasalanan sa inyo kung kayo ay magsipasok (ng walang pahintulot) sa mga bahay na hindi na tinitirhan (alalaong baga, walang nagmamay- ari), (kung) kayo ay magnais sa mga ito. At si Allah ang may kaalaman sa inyong inilalantad at inyong inililingid
قُلْ لِلْمُؤْمِنِينَ يَغُضُّوا مِنْ أَبْصَارِهِمْ وَيَحْفَظُوا فُرُوجَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ أَزْكَىٰ لَهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا يَصْنَعُونَ
Ipahayagsamgasumasampalatayanglalakinaibabanila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay), at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong seksuwal, atbp.). Ito ay higit na dalisay para sa kanila. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng kanilang ginagawa
وَقُلْ لِلْمُؤْمِنَاتِ يَغْضُضْنَ مِنْ أَبْصَارِهِنَّ وَيَحْفَظْنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنْهَا ۖ وَلْيَضْرِبْنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلَىٰ جُيُوبِهِنَّ ۖ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا لِبُعُولَتِهِنَّ أَوْ آبَائِهِنَّ أَوْ آبَاءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ أَبْنَائِهِنَّ أَوْ أَبْنَاءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ إِخْوَانِهِنَّ أَوْ بَنِي إِخْوَانِهِنَّ أَوْ بَنِي أَخَوَاتِهِنَّ أَوْ نِسَائِهِنَّ أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُنَّ أَوِ التَّابِعِينَ غَيْرِ أُولِي الْإِرْبَةِ مِنَ الرِّجَالِ أَوِ الطِّفْلِ الَّذِينَ لَمْ يَظْهَرُوا عَلَىٰ عَوْرَاتِ النِّسَاءِ ۖ وَلَا يَضْرِبْنَ بِأَرْجُلِهِنَّ لِيُعْلَمَ مَا يُخْفِينَ مِنْ زِينَتِهِنَّ ۚ وَتُوبُوا إِلَى اللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ الْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
At ipahayag sa mga sumasampalatayang babae na ibaba nila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay) at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong seksuwal, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang mga palamuti maliban (lamang) kung ano ang sadyang nakalitaw (katulad ng palad, o mata o dalawang mata upang makita ang daan, o ang panglabas na kasuutan katulad ng belo o takip ng ulo, guwantes, atbp.) at iladlad ang kanilang belo sa buong Juyubihinna (alalaong baga, sa kanilang katawan, mukha, leeg, dibdib, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang palamuti maliban lamang sa kanilang asawa, sa kanilang ama, sa ama ng kanilang asawa, sa kanilang anak na lalaki, sa anak na lalaki ng kanilang asawa, sa kanilang kapatid na lalaki at sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid, o sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae, o sa mga kababaihang [Muslim], (alalaong baga, sa kanilang mga kapatid na babae sa Islam), o sa mga (babaeng) alipin na angkin ng kanilang kanang kamay, o mga katulong na matatandang lalaki na hindi na mapusok, o maliliit na batang (lalaki) na wala pang muwang sa kahihiyan sa bagay na seksuwal. At huwag hayaan na ipadyak nila ang kanilang paa upang malantad ang anumang natatago nilang palamuti. At manikluhod kay Allah na kayo ay patawarin (Niyang) lahat, o mga sumasampalataya!, upang kayo ay magsipagtagumpay
وَأَنْكِحُوا الْأَيَامَىٰ مِنْكُمْ وَالصَّالِحِينَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَإِمَائِكُمْ ۚ إِنْ يَكُونُوا فُقَرَاءَ يُغْنِهِمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
At inyong pangasawahin sa lipon ninyo ang mga wala pang pananagutan (isang lalaki na wala pang asawa at isang babae na wala pang asawa), gayundin ay inyong pangasawahin ang Salihun (matapat, matimtiman at may kakayahan) sa inyong mga aliping (lalaki) at mga katulong (na aliping babae). Kung sila ay maralita, si Allah ang magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At si Allah ay Sapat nang Tagapanustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Lubos na Maalam (hinggil sa katatayuan ng mga tao)

Choose other languages: