Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #7 Translated in Filipino

4:3
وَإِنْ خِفْتُمْ أَلَّا تُقْسِطُوا فِي الْيَتَامَىٰ فَانْكِحُوا مَا طَابَ لَكُمْ مِنَ النِّسَاءِ مَثْنَىٰ وَثُلَاثَ وَرُبَاعَ ۖ فَإِنْ خِفْتُمْ أَلَّا تَعْدِلُوا فَوَاحِدَةً أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ ۚ ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَلَّا تَعُولُوا
At kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makakaganap na maging makatarungan sa mga (babaeng) ulila, kayo ay magsipag-asawa ng (ibang) kababaihan na inyong mapusuan, dalawa, o tatlo, o apat; datapuwa’t kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makakaganap na makitungo (sa kanila) ng may pantay na katarungan, kung gayon ay (mag-asawa) lamang ng isa, o kung ano ang angkin ng inyong kanang kamay. Ito ay higit na mainam upang mapigilan kayo na makagawa ng kawalang katarungan
4:4
وَآتُوا النِّسَاءَ صَدُقَاتِهِنَّ نِحْلَةً ۚ فَإِنْ طِبْنَ لَكُمْ عَنْ شَيْءٍ مِنْهُ نَفْسًا فَكُلُوهُ هَنِيئًا مَرِيئًا
At ibigay sa kababaihan (na inyong mapapangasawa) ang kanilang Mahr (ang katungkulang dote o handog na ibinibigay ng lalaki sa kanyang magiging asawa sa sandali ng kasal) ng may mabuting puso; datapuwa’t kung sila (mga babae), sa kanilang sariling kasiyahan ay muling ibalik ang bahagi nito sa inyo, ito ay inyong kunin at masiyahan ng walang pangangamba sa anumang kasahulan (sapagkat ginawa itong legal ni Allah)
4:5
وَلَا تُؤْتُوا السُّفَهَاءَ أَمْوَالَكُمُ الَّتِي جَعَلَ اللَّهُ لَكُمْ قِيَامًا وَارْزُقُوهُمْ فِيهَا وَاكْسُوهُمْ وَقُولُوا لَهُمْ قَوْلًا مَعْرُوفًا
At sa may mahihinang pag-iisip, huwag ninyong ibigay sa kanila ang inyong ari-arian na ipinagkatiwala ni Allah upang inyong pamahalaan, datapuwa’t damitan ninyo at pakainin sila, at kayo ay mangusap sa kanila ng may kabutihan at katarungan
4:6
وَابْتَلُوا الْيَتَامَىٰ حَتَّىٰ إِذَا بَلَغُوا النِّكَاحَ فَإِنْ آنَسْتُمْ مِنْهُمْ رُشْدًا فَادْفَعُوا إِلَيْهِمْ أَمْوَالَهُمْ ۖ وَلَا تَأْكُلُوهَا إِسْرَافًا وَبِدَارًا أَنْ يَكْبَرُوا ۚ وَمَنْ كَانَ غَنِيًّا فَلْيَسْتَعْفِفْ ۖ وَمَنْ كَانَ فَقِيرًا فَلْيَأْكُلْ بِالْمَعْرُوفِ ۚ فَإِذَا دَفَعْتُمْ إِلَيْهِمْ أَمْوَالَهُمْ فَأَشْهِدُوا عَلَيْهِمْ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ حَسِيبًا
Subukan ninyo (ang katalinuhan) ng mga ulila hanggang sa sila ay sumapit na sa hustong gulang ng pag-aasawa; at kung kayo ay makakita sa kanila ng sapat na kakayahan, ibigay ninyo sa kanila ang kanilang ari- arian, datapuwa’t huwag ninyong gamitin ito ng walang kapararakan at huwag ding madaliin (ang pagbibigay) kung itoayhindiumaayon(sagulang) ngkanilangpaglaki.Atkung ang tagapangalaga ay may maalwang buhay, hayaan siya na huwag tumanggap ng kabayaran, datapuwa’t kung siya ay mahirap, hayaan siya na magkaroon sa kanyang sarili kung ano ang makatarungan at katamtaman. At kung inyo nang igawad sa kanila ang kanilang ari-arian, kayo ay kumuha ng mga saksi sa kanilang harapan; datapuwa’t si Allah ay Ganap na Saksi sa pagsusulit
4:7
لِلرِّجَالِ نَصِيبٌ مِمَّا تَرَكَ الْوَالِدَانِ وَالْأَقْرَبُونَ وَلِلنِّسَاءِ نَصِيبٌ مِمَّا تَرَكَ الْوَالِدَانِ وَالْأَقْرَبُونَ مِمَّا قَلَّ مِنْهُ أَوْ كَثُرَ ۚ نَصِيبًا مَفْرُوضًا
At kung anuman ang naiwan ng mga magulang sa kanilang pinakamalalapit na kamag- anak ay mayroong bahagi ang kalalakihan at may bahagi ang kababaihan, kahima’t ang ari-arian ay maliit o malaki; isang nalalaang bahagi

Choose other languages: