Surah An-Nisa Ayahs #126 Translated in Filipino
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَنُدْخِلُهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ وَعْدَ اللَّهِ حَقًّا ۚ وَمَنْ أَصْدَقُ مِنَ اللَّهِ قِيلًا
Datapuwa’t ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at gumagawa ng kabutihan, sila ay Aming tatanggapin sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) upang manahan dito magpakailanman. Ang pangako ni Allah ay Katotohanan, at kanino pa kayang Salita ang higit na makatotohanan maliban kay Allah? (Tunay ngang wala ng iba)
لَيْسَ بِأَمَانِيِّكُمْ وَلَا أَمَانِيِّ أَهْلِ الْكِتَابِ ۗ مَنْ يَعْمَلْ سُوءًا يُجْزَ بِهِ وَلَا يَجِدْ لَهُ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا
Hindi ang inyong mga naisin (O mga Muslim), gayundin ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano [ang makakapanaig]); sinumang gumawa ng kasamaan ay makakatanggap ng kabayaran nito, at siya ay hindi makakatagpo ng sinumang tagapangalaga o kawaksi maliban pa kay Allah
وَمَنْ يَعْمَلْ مِنَ الصَّالِحَاتِ مِنْ ذَكَرٍ أَوْ أُنْثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَأُولَٰئِكَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ وَلَا يُظْلَمُونَ نَقِيرًا
At sinuman ang gumawa ng mabuting gawa, maging siya ay lalaki o babae, at isang tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah (Muslim), sila ay papasok sa Paraiso at walang isa mang katiting na kawalang katarungan, maging ito ay kasinglaki ng mantsa (batik) sa likod ng buto ng palmera, ang igagawad sa kanila
وَمَنْ أَحْسَنُ دِينًا مِمَّنْ أَسْلَمَ وَجْهَهُ لِلَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ وَاتَّبَعَ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۗ وَاتَّخَذَ اللَّهُ إِبْرَاهِيمَ خَلِيلًا
At sino pa kaya ang higit na mabuti sa pananampalataya maliban sa kanya na nagsusuko ng kanyang mukha (sarili) kay Allah (ang pagsunod sa Islam at sa Nag-iisang diyos); at siya ay isang Muhsin (mapaggawa ng kabutihan). At sumusunod sa pananampalataya ni Abraham na Hanifan (sumusunod sa Islam at sumasamba lamang kay Allah). At si Allah ang humirang kay Abraham bilang isang matalik na kaibigan
وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ مُحِيطًا
At si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At si Allah ang Lalagi nang Nakakasakop ng lahat ng bagay
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
