Surah An-Naml Ayahs #64 Translated in Filipino
أَمَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا بِهِ حَدَائِقَ ذَاتَ بَهْجَةٍ مَا كَانَ لَكُمْ أَنْ تُنْبِتُوا شَجَرَهَا ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ يَعْدِلُونَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at nagpapanaog sa inyo ng tubig (ulan) mula sa alapaap, na rito (sa lupa) ay Aming pinapangyari na tumubo ang kamangha- manghang halamanan na puspos ng kagandahan at kasiyahan? wala sa inyo ang kakayahan na magpapangyari nang paglaki ng kanyang mga puno. (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Hindi, sila ay mga tao na nag-aakibat ng mga kapantay (sa Kanya)!”
أَمَّنْ جَعَلَ الْأَرْضَ قَرَارًا وَجَعَلَ خِلَالَهَا أَنْهَارًا وَجَعَلَ لَهَا رَوَاسِيَ وَجَعَلَ بَيْنَ الْبَحْرَيْنِ حَاجِزًا ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na gumawa sa kalupaan na matatag upang panahanan, at (Siya) na naglagay ng mga ilog sa gitna nito, at (Siya) na nagtindig dito ng matatatag na kabundukan, at (Siya) na nagtakda ng sagka sa pagitan ng dalawang dagat (ng maalat at manamis- namis na tubig). (Mayroon pa bang ) ibang diyos maliban kay Allah? Hindi, datapuwa’t karamihan sa kanila ay hindi nakakaunawa
أَمَّنْ يُجِيبُ الْمُضْطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكْشِفُ السُّوءَ وَيَجْعَلُكُمْ خُلَفَاءَ الْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ قَلِيلًا مَا تَذَكَّرُونَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na sumasaklolo sa mga nalalagay sa panganib, kung siya ay naninikluhod sa Kanya, at Siya na nag-aalis sa kasamaan, at gumawa sa inyo na mga tagapagmana ng kalupaan, sa maraming henerasyon ng mga salit-saling lahi. (Mayroong pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Kakarampot lamang ang inyong naaala-ala
أَمَّنْ يَهْدِيكُمْ فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَمَنْ يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ تَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na namamatnubay sa inyo sa kadiliman ng kalupaan at karagatan, at nagpapadala ng hangin bilang tagapagdala ng masayang balita, na umiihip sa harap ng Kanyang Habag (ang Ulan)? (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Higit Siyang Kataas-taasan sa lahat ng kanilang iniaakibat na mga katambal (sa Kanya)
أَمَّنْ يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ وَمَنْ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong tinatawag na mga diyos), [Siya] na nagpasimula ng paglikha, at matapos ito, ito ay Kanyang uulitin, at (Siya) ang nagkakaloob sa inyo (ng lahat ng bagay) mula sa kalangitan at kalupaan? (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Ipagbadya: “dalhin ninyo ang inyong mga katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
