Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Najm Ayahs #41 Translated in Filipino

وَإِبْرَاهِيمَ الَّذِي وَفَّىٰ
At ni Abraham na tumupad (at nagparating) ng lahat (ng mga ipinag-utos ni Allah sa kanya)
أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ
Na nagtatagubilin na walang sinuman na nagdadala ng pasanin (ng kanyang kasalanan) ang maaaring magdala ng pasanin ng iba (kasalanan ng iba)
وَأَنْ لَيْسَ لِلْإِنْسَانِ إِلَّا مَا سَعَىٰ
Na ang tao ay walang mapapakinabang maliban lamang sa kanyang pinagsusumikapan (na mabuti o masama)
وَأَنَّ سَعْيَهُ سَوْفَ يُرَىٰ
At ang (bunga) ng kanyang pagsisikap (mga gawa) ay malalantad
ثُمَّ يُجْزَاهُ الْجَزَاءَ الْأَوْفَىٰ
Kaya’t siya ay gagantihan ng ganap sa pinakamainam na kabayaran

Choose other languages: