Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #73 Translated in Filipino

ثُمَّ كُلِي مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ فَاسْلُكِي سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلًا ۚ يَخْرُجُ مِنْ بُطُونِهَا شَرَابٌ مُخْتَلِفٌ أَلْوَانُهُ فِيهِ شِفَاءٌ لِلنَّاسِ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ
At matapos, ay iyong kainin ang lahat ng mga bungangkahoy (prutas), at sundin ang mga pamamaraan ng iyong Panginoon na ginawa Niyang magaan (para sa iyo).” Sa kalaunan, ay may lalabas sa kanilang tiyan (puson), na isang inumin na may iba’t ibang kulay (pulot pukyutan), na naroroon ang panglunas (sa karamdaman) ng mga tao. Katotohanan, naririto ang isang tiyak na Tanda sa mga tao na may pag-iisip
وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ ثُمَّ يَتَوَفَّاكُمْ ۚ وَمِنْكُمْ مَنْ يُرَدُّ إِلَىٰ أَرْذَلِ الْعُمُرِ لِكَيْ لَا يَعْلَمَ بَعْدَ عِلْمٍ شَيْئًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ قَدِيرٌ
At si Allah ang lumikha sa inyo, at pagkaraan, ay papapangyarihin Niya ang inyong kamatayan, at ang ilan sa inyo ay (Kanyang) ibinabalik sa pagkalimot (pagiging ulyanin), kaya’t sila ay walang nalalaman, matapos na magkamit ng maraming karunungan. Tunay nga! Si Allah ay Lubos na Maalam, ang Tigib ng Kapangyarihan
وَاللَّهُ فَضَّلَ بَعْضَكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ فِي الرِّزْقِ ۚ فَمَا الَّذِينَ فُضِّلُوا بِرَادِّي رِزْقِهِمْ عَلَىٰ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ فَهُمْ فِيهِ سَوَاءٌ ۚ أَفَبِنِعْمَةِ اللَّهِ يَجْحَدُونَ
At si Allah ang nagtalaga sa ilan sa inyo na maging higit sa iba sa kayamanan at ari-arian. At sila na biniyayaan (ng higit) ay hindi sa anumang kaparaanan ay magpapamana ng kanilang kayamanan at mga ari-arian sa kanilang (mga alipin) na angkin ng kanilang kanang kamay, upang sila ay maging kapantay nila sa gayong kalagayan. (Ito ay isang halimbawa na itinambad ni Allah sa mga pagano na nag- aakibat ng katambal at mga huwad na diyos kay Allah, na sila ay hindi papayag na hatiin ang kanilang kayamanan at mga ari-arian sa kanilang mga alipin, kung gayon, bakit sila pumayag na ang huwad na mga diyus-diyosan ay maging kahati ni Allah sa pagsamba sa Kanya?). Sila ba ay nagtatatwa sa kagandahang loob ni Allah
وَاللَّهُ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَجَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ بَنِينَ وَحَفَدَةً وَرَزَقَكُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَتِ اللَّهِ هُمْ يَكْفُرُونَ
At si Allah ay nagkaloob sa inyo ng mga asawang babae mula sa inyong uri, at (Kanyang) ginawaran kayo mula sa inyong mga asawang babae ng mga anak na lalaki at mga apong lalaki, at nagbigay sa inyo ng mabuting panustos (na ikabubuhay). Silabagaaynananampalatayasamgahuwadna diyus-diyosan at nagtatatwa sa kagandahang loob ni Allah (sa pamamagitan ng hindi pagsamba kay Allah ng walang katambal)
وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَمْلِكُ لَهُمْ رِزْقًا مِنَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ شَيْئًا وَلَا يَسْتَطِيعُونَ
At sila ay sumasamba sa mga iba maliban pa kay Allah, - sa mga katulad nila na hindi makakapagtamo at makakapag-angkin ng anumang panustos na ikabubuhay para sa kanila mula sa mga kalangitan at kalupaan

Choose other languages: