Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #53 Translated in Filipino

وَلِلَّهِ يَسْجُدُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ مِنْ دَابَّةٍ وَالْمَلَائِكَةُ وَهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ
AtkayAllah ay nagpapatirapa ang lahat ng anumang nasa kalangitan at kalupaan, ang lahat ng mga buhay at gumagalaw na nilikha, at ang mga anghel, at sila ay hindi mga palalo (alalaong baga, sinasamba nila ang kanilang Panginoon [Allah] ng may kapakumbabaan
يَخَافُونَ رَبَّهُمْ مِنْ فَوْقِهِمْ وَيَفْعَلُونَ مَا يُؤْمَرُونَ ۩
Pinangangambahan nila ang kanilang Panginoon na nasa itaas, at sila ay tumatalima sa anumang sa kanila ay ipag-utos
وَقَالَ اللَّهُ لَا تَتَّخِذُوا إِلَٰهَيْنِ اثْنَيْنِ ۖ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ فَإِيَّايَ فَارْهَبُونِ
At si Allah ay nagwika (O sangkatauhan!): “Huwag kayong sumamba sa Ilahain (sa dalawang diyos, sa inyong pagsamba, atbp.). Katotohanan, Siya (Allah) ang tangi lamang Ilah (Diyos). Kaya’t inyong pangambahan Ako nang labis [at Ako (lamang), alalaong baga, umiwas sa lahat ng uri ng kasalanan na ipinagbawal ni Allah at gumawa ng lahat na Kanyang ipinag-utos at sumamba lamang kay Allah
وَلَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَهُ الدِّينُ وَاصِبًا ۚ أَفَغَيْرَ اللَّهِ تَتَّقُونَ
Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at (lahat ng nasa) kalupaan at sa Kanya ang Ad Din Wasiba (alalaong baga, ang patuloy na katapatan at pagsunod sa Kanya ay kinakailangan. Wala ng iba pang diyos na karapat- dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya [Allah]). Pangangambahan ba ninyo ang iba pa maliban kay Allah
وَمَا بِكُمْ مِنْ نِعْمَةٍ فَمِنَ اللَّهِ ۖ ثُمَّ إِذَا مَسَّكُمُ الضُّرُّ فَإِلَيْهِ تَجْأَرُونَ
At kung anuman ang mga biyaya at magagandang bagay na nasa inyo, ito ay mula kay Allah. Subalit, kung ang kasamaan (kapinsalaan) ay dumatal sa inyo, kayo ay sa Kanya naninikluhod ng tulong

Choose other languages: