Surah An-Nahl Ayahs #30 Translated in Filipino
قَدْ مَكَرَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَأَتَى اللَّهُ بُنْيَانَهُمْ مِنَ الْقَوَاعِدِ فَخَرَّ عَلَيْهِمُ السَّقْفُ مِنْ فَوْقِهِمْ وَأَتَاهُمُ الْعَذَابُ مِنْ حَيْثُ لَا يَشْعُرُونَ
Sila na nauna sa kanila ay katotohanang nagsipagbalak, datapuwa’t si Allah ang gumiba ng balangkas at mga haligi ng kanilang gusali, at ang bubong ay gumuho sa kanila mula sa itaas nila, at ang kaparusahan ay sumaklot sa kanila mula sa mga sulok na hindi nila napag-aakala
ثُمَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يُخْزِيهِمْ وَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَائِيَ الَّذِينَ كُنْتُمْ تُشَاقُّونَ فِيهِمْ ۚ قَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ إِنَّ الْخِزْيَ الْيَوْمَ وَالسُّوءَ عَلَى الْكَافِرِينَ
At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, Kanyang aalisan sila ng puri at sa kanila ay ipagbabadya: “Nasaan ang (mga tinatawag) ninyong katambal sa Akin na siyang dahilan ng inyong hindi pagkakasundo at pakikipagtalo (sa mga sumasampalataya, sa pamamagitan ng inyong pagsuway at hindi pagtalima kay Allah)? Sila na pinagkalooban ng kaalaman (tungkol sa kaparusahan ni Allah para sa mga hindi sumasampalataya) ay magsasabi: “Katotohanan! Kahihiyan ang Araw na ito at kapighatian sa mga walang pananalig.”
الَّذِينَ تَتَوَفَّاهُمُ الْمَلَائِكَةُ ظَالِمِي أَنْفُسِهِمْ ۖ فَأَلْقَوُا السَّلَمَ مَا كُنَّا نَعْمَلُ مِنْ سُوءٍ ۚ بَلَىٰ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Yaong mga tao na binawian ng buhay ng mga anghel habang sila ay abala sa kamalian sa kanilang sarili (sa pamamagitan ng kawalan ng pananalig at pag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba kay Allah at sa pagsasagawa ng lahat ng uri ng mga kasalanan at katampalasanan), sa gayon, sila ay ganap na magpapailalim (sa kautusan, at mangungusap): “Noon pa man, kami ay hindi na gumagawa ng kasamaan.” (Ang mga anghel) ay magsasabi: “oo! Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa
فَادْخُلُوا أَبْوَابَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۖ فَلَبِئْسَ مَثْوَى الْمُتَكَبِّرِينَ
Kaya’t magsipasok kayo sa mga tarangkahan ng Impiyerno, upang manahan dito, at katotohanan, pagkasama-sama ng gayong tahanan sa mga palalo.”
وَقِيلَ لِلَّذِينَ اتَّقَوْا مَاذَا أَنْزَلَ رَبُّكُمْ ۚ قَالُوا خَيْرًا ۗ لِلَّذِينَ أَحْسَنُوا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةٌ ۚ وَلَدَارُ الْآخِرَةِ خَيْرٌ ۚ وَلَنِعْمَ دَارُ الْمُتَّقِينَ
At (kung) ito ay ipagbabadya sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na labis na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at higit na nagmamahal sa Kanya sa pamamagitan nang paggawa ng kabutihan na Kanyang ipinag-uutos): “Ano ba ang bagay na ipinadala ng inyong Panginoon? Sila ay magsasabi: “Kung ano ang bagay na mabuti.” Sa mga nagsigawa ng kabutihan sa mundong ito ay may mabuti, at ang tahanan ng Kabilang Buhay ay higit na mainam. At tunay na karangal-rangal ang magiging tahanan (alalaong baga, ang Paraiso) ng Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
