Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Waqia Ayahs #79 Translated in Filipino

فَلَا أُقْسِمُ بِمَوَاقِعِ النُّجُومِ
Tunay nga! Aming tinawag upang magpatotoo ang Mawaqi (ang paglubog o malalaking palasyo ng mga bituin)
وَإِنَّهُ لَقَسَمٌ لَوْ تَعْلَمُونَ عَظِيمٌ
At katotohanang ito ay dakilang pagsumpa, kung inyo lamang nalalaman
إِنَّهُ لَقُرْآنٌ كَرِيمٌ
At katotohanang (ito) ang pinakamarangal (at banal) na pagdalit (ang Qur’an)
فِي كِتَابٍ مَكْنُونٍ
Sa isang Aklat na ganap na napapangalagaan (na kay Allah sa Kalangitan, alalaong baga ang Al Lauh Al Mahfuz)
لَا يَمَسُّهُ إِلَّا الْمُطَهَّرُونَ
Na walang sinuman ang makakahipo niyaon (Aklat ni Allah) maliban sa (kanila) na dalisay at malilinis sa kasalanan (alalaong baga, ang mga anghel)

Choose other languages: