Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qamar Ayahs #12 Translated in Filipino

مُهْطِعِينَ إِلَى الدَّاعِ ۖ يَقُولُ الْكَافِرُونَ هَٰذَا يَوْمٌ عَسِرٌ
Na nagmamadali, at ang kanilang mga mata ay nakamulagat patungo sa Tagatawag! Ang mga hindi sumasampalataya ay magsasabi: “Napakahirap ng Araw na ito!”
كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ فَكَذَّبُوا عَبْدَنَا وَقَالُوا مَجْنُونٌ وَازْدُجِرَ
Noong panahong sinauna, ang pamayanan ni Noe ay nagtakwil (sa kanilang Tagapagbalita) at nagtatwa sa Aming alipin at nagsabi: “Narito ang isang inaalihan ng demonyo!” At siya ay walang pakundangan nilang sinalansang at itinaboy
فَدَعَا رَبَّهُ أَنِّي مَغْلُوبٌ فَانْتَصِرْ
Kaya’t nanikluhod siya sa kanyang Panginoon (na nagsasabi): “Ako ay kanilang kinakayan-kayanan, kaya’t ako ay tulungan (Ninyo)!”
فَفَتَحْنَا أَبْوَابَ السَّمَاءِ بِمَاءٍ مُنْهَمِرٍ
Kaya’t Aming ibinukas ang mga Tarangkahan ng Kalangitan na may mga tubig na bumubuhos
وَفَجَّرْنَا الْأَرْضَ عُيُونًا فَالْتَقَى الْمَاءُ عَلَىٰ أَمْرٍ قَدْ قُدِرَ
At Aming hinayaan ang kalupaan na madaluyan ng mga dalisdis, upang ang mga tubig (ng kalangitan at kalupaan) ay magpanagpo (at tumaas) sa layunin ng (Aming) pag-uutos

Choose other languages: