Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qamar Ayahs #44 Translated in Filipino

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِنْ مُدَّكِرٍ
At katotohanang ginawa Namin ang Qur’an na magaan upang maunawaan at maala-ala, kaya’t mayroon ba kayang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)
وَلَقَدْ جَاءَ آلَ فِرْعَوْنَ النُّذُرُ
At katotohanan, ang mga Babala ay dumatal sa mga tao ni Paraon (sa pamamagitan ni Moises atAaron)
كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذْنَاهُمْ أَخْذَ عَزِيزٍ مُقْتَدِرٍ
(Ang mga tao) ay nagpabulaan sa lahat ng Aming mga Tanda, kaya’t Aming sinakmal sila ng Kaparusahan na nagmula sa Isang Kataas-taasan sa Kapangyarihan, na nakakapagpatupad ng Kanyang kautusan (walang Hanggang Kapangyarihan)
أَكُفَّارُكُمْ خَيْرٌ مِنْ أُولَٰئِكُمْ أَمْ لَكُمْ بَرَاءَةٌ فِي الزُّبُرِ
Ang iyo bang mga tao na walang pananampalataya (o Quraish!) ay higit na mabuti kaysa kanila (mga pamayanan ni Noe, Lut, Salih at mga tao ni Paraon, atbp. na mga winasak)? o sila ba ay ligtas at hindi napapailalim (laban sa Aming Kaparusahan) sa mga Banal na Kasulatan
أَمْ يَقُولُونَ نَحْنُ جَمِيعٌ مُنْتَصِرٌ
o sila ba ay nagsasabi: “Kami ay marami sa bilang at kami ay makakapagtanggol ng aming sarili at magtatagumpay”

Choose other languages: