Surah Al-Qamar Ayahs #38 Translated in Filipino
إِنَّا أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ حَاصِبًا إِلَّا آلَ لُوطٍ ۖ نَجَّيْنَاهُمْ بِسَحَرٍ
Pagmasdan! Katotohanang ipinadala Namin sa kanila ang nagngangalit na Unos ng umuulang bato (na nagwasak sa kanilang lahat), maliban sa mga kasambahay ni Lut, na Aming iniligtas sa pagdatal ng bukang liwayway
نِعْمَةً مِنْ عِنْدِنَا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي مَنْ شَكَرَ
Bilang isang Biyaya mula sa Amin; sa gayon Namin ginagantimpalaan ang mga nagbibigay sa Amin ng pasasalamat (sa pamamagitan ng pagsunod sa Amin)
وَلَقَدْ أَنْذَرَهُمْ بَطْشَتَنَا فَتَمَارَوْا بِالنُّذُرِ
At katotohanang (si Lut) ay nagbabala sa kanila ng Aming Pagsukol (kaparusahan), datapuwa’t sila ay nag- aalinlangan sa mga Babala
وَلَقَدْ رَاوَدُوهُ عَنْ ضَيْفِهِ فَطَمَسْنَا أَعْيُنَهُمْ فَذُوقُوا عَذَابِي وَنُذُرِ
At katotohanang sila ay nagnais na hiyain ang kanyang panauhin (sa pamamagitan ng pagsasabi nila na makipagtalik sa kanyang (Lut) mga bisita), datapuwa’t binulag Namin ang kanilang mga mata, (at Kami ay nagwika): “Lasapin ninyo ngayon ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala!”
وَلَقَدْ صَبَّحَهُمْ بُكْرَةً عَذَابٌ مُسْتَقِرٌّ
At katotohanang nang kinaumagahan, ang walang maliw na Kaparusahan ay sumakmal sa kanila
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
