Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qamar Ayahs #40 Translated in Filipino

وَلَقَدْ أَنْذَرَهُمْ بَطْشَتَنَا فَتَمَارَوْا بِالنُّذُرِ
At katotohanang (si Lut) ay nagbabala sa kanila ng Aming Pagsukol (kaparusahan), datapuwa’t sila ay nag- aalinlangan sa mga Babala
وَلَقَدْ رَاوَدُوهُ عَنْ ضَيْفِهِ فَطَمَسْنَا أَعْيُنَهُمْ فَذُوقُوا عَذَابِي وَنُذُرِ
At katotohanang sila ay nagnais na hiyain ang kanyang panauhin (sa pamamagitan ng pagsasabi nila na makipagtalik sa kanyang (Lut) mga bisita), datapuwa’t binulag Namin ang kanilang mga mata, (at Kami ay nagwika): “Lasapin ninyo ngayon ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala!”
وَلَقَدْ صَبَّحَهُمْ بُكْرَةً عَذَابٌ مُسْتَقِرٌّ
At katotohanang nang kinaumagahan, ang walang maliw na Kaparusahan ay sumakmal sa kanila
فَذُوقُوا عَذَابِي وَنُذُرِ
“Kaya’t inyong lasapin ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala.”
وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِنْ مُدَّكِرٍ
At katotohanang ginawa Namin ang Qur’an na magaan upang maunawaan at maala-ala, kaya’t mayroon ba kayang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)

Choose other languages: