Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qamar Ayahs #32 Translated in Filipino

وَنَبِّئْهُمْ أَنَّ الْمَاءَ قِسْمَةٌ بَيْنَهُمْ ۖ كُلُّ شِرْبٍ مُحْتَضَرٌ
At ipaalam mo sa kanila na ang tubig ay hahatiin sa pagitan (ng babaeng kamelyo) at nila. Ang bawat isa ay may karapatan na uminom at ang bawat pag-inom ay minamatyagan
فَنَادَوْا صَاحِبَهُمْ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ
Datapuwa’t tinawag nila ang kanilang kasamahan at bumunot siya ng (isang espada) at inulos siya (babaeng kamelyo)
فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Ah! Kung gayon, gaano (kalagim-lagim) ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala
إِنَّا أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ صَيْحَةً وَاحِدَةً فَكَانُوا كَهَشِيمِ الْمُحْتَظِرِ
Katotohanang ipinadala Namin sa kanila ang isang Matinding Pagsabog at sila ay natulad sa mga tuyong sanga (at sungot) ng puno na ginagamit bilang pambakod sa kulungan ng hayop
وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِنْ مُدَّكِرٍ
At katotohanan na ginawa Namin na magaan ang Qur’an upang maunawaan at maala-ala. Kaya’t mayroon bang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)

Choose other languages: