Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qamar Ayahs #21 Translated in Filipino

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِنْ مُدَّكِرٍ
At katotohanang Aming ginawa ang Qur’an na madaling maunawaan at magunita, kung gayon, mayroon bagang sinuman ang makakaala-ala (o tatanggap ng tagubilin)
كَذَّبَتْ عَادٌ فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Ang mga tribo ni A’ad ay nagpabulaan (sa katotohanan ng kanilang Propetang si Hud, ), kaya’t pagmasdan kung gaano kalagim-lagim ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala
إِنَّا أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيحًا صَرْصَرًا فِي يَوْمِ نَحْسٍ مُسْتَمِرٍّ
Katotohanang Aming ipinadala sa kanila ang magaspang na tunog ng humahagupit na Hangin, sa Araw ng kasindak-sindak na kasamaan at patuloy na kapinsalaan
تَنْزِعُ النَّاسَ كَأَنَّهُمْ أَعْجَازُ نَخْلٍ مُنْقَعِرٍ
Na bumubunot sa mga tao, na wari bang sila ay mga ugat ng punong palmera na hinuhugot (mula sa lupa)
فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
(Kaya’t pagmasdan), kung gaano (kalagim-lagim) ang Aking Kaparusahan at Aking mga Babala

Choose other languages: