Surah Al-Qalam Ayahs #35 Translated in Filipino
قَالُوا يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا طَاغِينَ
Na nagsasabi: “Kasawian sa atin! Tunay ngang tayo ay mga Taghub (mapaglabag sa kautusan at palasuway, atbp)
عَسَىٰ رَبُّنَا أَنْ يُبْدِلَنَا خَيْرًا مِنْهَا إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا رَاغِبُونَ
Tayo ay umasam na mangyaring pahintulutan ng ating Panginoon na tayo ay pagkalooban Niya ng higit na mainam (na halamanan) kaysa rito. Katotohanang kami ay nagbalik- loob sa aming Panginoon (na naghahangad ng mabuti na Siya ay magpapatawad sa aming kasalanan at magbibigay ng gantimpala sa Kabilang Buhay).”
كَذَٰلِكَ الْعَذَابُ ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَكْبَرُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ
At ito ang kaparusahan (sa buhay na ito), datapuwa’t katotohanang higit na matindi ang kaparusahan sa Kabilang Buhay, kung kanila lamang nababatid
إِنَّ لِلْمُتَّقِينَ عِنْدَ رَبِّهِمْ جَنَّاتِ النَّعِيمِ
Katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na may pagkatakot kay Allah at umiiwas sa lahat ng masama at kasalanan na Kanyang ipinagbawal, at nagmamahal sa Kanya ng labis), ay sasakanila ang Hardin ng Kaligayahan (Paraiso) sa harapan ng kanilang Panginoon
أَفَنَجْعَلُ الْمُسْلِمِينَ كَالْمُجْرِمِينَ
Ituturing ba Namin na magkatulad ang mga sumasampalataya (mga Muslim) sa mga makasalanan (mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
