Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mutaffifin Ayahs #15 Translated in Filipino

الَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوْمِ الدِّينِ
Sa mga nagtatakwil sa Araw ng Kabayaran
وَمَا يُكَذِّبُ بِهِ إِلَّا كُلُّ مُعْتَدٍ أَثِيمٍ
At walang sinuman ang makakapagtakwil doon maliban sa mga makasalanan na lumalabag ng labis sa hangganan (ng kawalang pananampalataya, pang-aapi at pagsuway kay Allah), mga Makasalanan
إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا قَالَ أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ
Na kung ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay ipinahahayag sa kanya, siya ay nagsasabi: “ Mga kathang isip lamang ng panahong lumipas!”
كَلَّا ۖ بَلْ ۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ مَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Tunay nga! Ang kanilang puso ay may batik (nababahiran at nalalambungan ng mantsa dahil sa mga kasalanan at masasamang gawa) ng kanilang ginawa
كَلَّا إِنَّهُمْ عَنْ رَبِّهِمْ يَوْمَئِذٍ لَمَحْجُوبُونَ
Katotohanan, sa Araw na yaon, ang Habag ng kanilang Panginoon ay ipagkakait sa kanila (ang mga makasalanan ay malalambungan upang hindi nila mamalas ang kanilang Panginoon)

Choose other languages: