Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mulk Ayahs #24 Translated in Filipino

أَمَّنْ هَٰذَا الَّذِي هُوَ جُنْدٌ لَكُمْ يَنْصُرُكُمْ مِنْ دُونِ الرَّحْمَٰنِ ۚ إِنِ الْكَافِرُونَ إِلَّا فِي غُرُورٍ
At sino baga kaya ang makakatulong sa inyo kahit na nga yaon ay isang sandatahang pangkat, maliban kay Allah na Mapagkaloob? Ang mga hindi sumasampalataya ay walang pinanghahawakan maliban sa pag-aakala na walang saysay
أَمَّنْ هَٰذَا الَّذِي يَرْزُقُكُمْ إِنْ أَمْسَكَ رِزْقَهُ ۚ بَلْ لَجُّوا فِي عُتُوٍّ وَنُفُورٍ
At sino baga kaya ang makakapagbigay sa inyo ng inyong pangangailangan kung ninais Niya na ipagkait sa inyo ang Kanyang biyaya? Tunay ngang namihasa sila sa kawalan ng kabanalan at sila ay tumatalilis (sa Katotohanan)
أَفَمَنْ يَمْشِي مُكِبًّا عَلَىٰ وَجْهِهِ أَهْدَىٰ أَمَّنْ يَمْشِي سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Siya baga na lumalakad sa kahabaan (ng landas) na ang kaniyang mukha (paningin) ay nangangapa ay mainam na napapatnubayan? o siya kaya na (nakakakita) at lumalakad nang panatag sa Tuwid na Landas (alalaong baga sa paniniwala sa Kaisahan ni Allah)
قُلْ هُوَ الَّذِي أَنْشَأَكُمْ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۖ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ
Ipagbadya: “Siya ang lumikha sa inyo (at sumubaybay sa inyong paglaki) at naggawadsainyonginyongpandinigatpaninginatpandama at pang-unawa. Kakarampot lamang ang pasasalamat na inyong isinusukli!”
قُلْ هُوَ الَّذِي ذَرَأَكُمْ فِي الْأَرْضِ وَإِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
Ipagbadya : “Siya ang nagparami sa inyong bilang (at angkan) dito sa sangkalupaan at sa Kanya ay titipunin kayo ng sama-sama (sa Kabilang Buhay)

Choose other languages: