Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mulk Ayahs #22 Translated in Filipino

وَلَقَدْ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ
Katotohanan, ang mga tao na nangauna sa kanila ay nagsipagtakwil (sa Aking babala, alalaong baga, sa mga Tagapagbalita ni Allah). Pagmasdan kung gaano kasakit-sakit ang Aking pagkapoot sa kanila
أَوَلَمْ يَرَوْا إِلَى الطَّيْرِ فَوْقَهُمْ صَافَّاتٍ وَيَقْبِضْنَ ۚ مَا يُمْسِكُهُنَّ إِلَّا الرَّحْمَٰنُ ۚ إِنَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ بَصِيرٌ
Hindi baga nila napagmamasdan ang mga ibon sa kaitaasan na ibinubuka at itinitiklop ang kanilang pakpak? wala ng iba pang makakapagpanatili nito maliban kay Allah na Pinakamapagbigay. Katotohanang Siya ang Nakakamasid sa lahat ng bagay
أَمَّنْ هَٰذَا الَّذِي هُوَ جُنْدٌ لَكُمْ يَنْصُرُكُمْ مِنْ دُونِ الرَّحْمَٰنِ ۚ إِنِ الْكَافِرُونَ إِلَّا فِي غُرُورٍ
At sino baga kaya ang makakatulong sa inyo kahit na nga yaon ay isang sandatahang pangkat, maliban kay Allah na Mapagkaloob? Ang mga hindi sumasampalataya ay walang pinanghahawakan maliban sa pag-aakala na walang saysay
أَمَّنْ هَٰذَا الَّذِي يَرْزُقُكُمْ إِنْ أَمْسَكَ رِزْقَهُ ۚ بَلْ لَجُّوا فِي عُتُوٍّ وَنُفُورٍ
At sino baga kaya ang makakapagbigay sa inyo ng inyong pangangailangan kung ninais Niya na ipagkait sa inyo ang Kanyang biyaya? Tunay ngang namihasa sila sa kawalan ng kabanalan at sila ay tumatalilis (sa Katotohanan)
أَفَمَنْ يَمْشِي مُكِبًّا عَلَىٰ وَجْهِهِ أَهْدَىٰ أَمَّنْ يَمْشِي سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Siya baga na lumalakad sa kahabaan (ng landas) na ang kaniyang mukha (paningin) ay nangangapa ay mainam na napapatnubayan? o siya kaya na (nakakakita) at lumalakad nang panatag sa Tuwid na Landas (alalaong baga sa paniniwala sa Kaisahan ni Allah)

Choose other languages: