Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mujadala Ayahs #22 Translated in Filipino

إِنَّ الَّذِينَ يُحَادُّونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ أُولَٰئِكَ فِي الْأَذَلِّينَ
Sila na sumusuway sa (pag-uutos) ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), sila nga ang higit na magiging kaaba-aba (sa kawalang kahihiyan)
كَتَبَ اللَّهُ لَأَغْلِبَنَّ أَنَا وَرُسُلِي ۚ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٌ
Si Allah ay nagtakda: “Katotohanang Ako at ang Aking mga Tagapagbalita ang mananaig at magtatagumpay.” Katotohanang si Allah ang Lubos na Makapangyarihan, ang Kataas-taasan
لَا تَجِدُ قَوْمًا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ يُوَادُّونَ مَنْ حَادَّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَلَوْ كَانُوا آبَاءَهُمْ أَوْ أَبْنَاءَهُمْ أَوْ إِخْوَانَهُمْ أَوْ عَشِيرَتَهُمْ ۚ أُولَٰئِكَ كَتَبَ فِي قُلُوبِهِمُ الْإِيمَانَ وَأَيَّدَهُمْ بِرُوحٍ مِنْهُ ۖ وَيُدْخِلُهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ أُولَٰئِكَ حِزْبُ اللَّهِ ۚ أَلَا إِنَّ حِزْبَ اللَّهِ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Ikaw (o Muhammad) ay hindi makakatagpo ng sinumang (mga) tao na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, na nakikipagkaibigan sa mga sumasalungat kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), kahima’t sila ay kanilang mga ama, o kanilang mga anak, o kanilang mga kapatid o kanilang mga kamag-anak. Sa kanila ay Kanyang isinulat ang Pananalig sa kanilang puso at (Kanyang) pinatibay sila sa Ruh (mga katibayan, liwanag at tunay na patnubay) mula sa Kanyang Sarili. At Aming tatanggapin sila sa mga Halamanan (Paraiso) na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, upang manirahan dito (magpakailanman). Si Allah ay lubos na nalulugod sa kanila, at sila rin naman sa Kanya. Sila nga ang mga kabig ni Allah. Katotohanan, ang mga kabig ni Allah ang magtatamasa ng Tagumpay

Choose other languages: