Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mujadala Ayahs #13 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا تَنَاجَيْتُمْ فَلَا تَتَنَاجَوْا بِالْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَمَعْصِيَتِ الرَّسُولِ وَتَنَاجَوْا بِالْبِرِّ وَالتَّقْوَىٰ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay magdaraos ng lihim na pagsasanggunian, huwag ninyong gawin ito tungo sa kasamaan at kalupitan at pagsuway sa Tagapagbalita (Muhammad), bagkus ay gawin ninyo tungo sa Al-Birr (kabutihan at katuwiran) at Taqwa (kataimtiman at pagtitimpi sa sarili); at pangambahan ninyo si Allah, kayong lahat ay magbabalik sa Kanya sa pagtitipon
إِنَّمَا النَّجْوَىٰ مِنَ الشَّيْطَانِ لِيَحْزُنَ الَّذِينَ آمَنُوا وَلَيْسَ بِضَارِّهِمْ شَيْئًا إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ
Ang mga lihim na pagsasanggunian (pagsasabwatan) ay inuulot ni Satanas, upang siya ay makapagdulot ng hapis sa mga sumasampalataya, datapuwa’t hindi niya (Satanas) mapipinsala sila kahit na katiting malibang pahintulutan ni Allah; at kay Allah, hayaan ang mga sumasampalataya ay magtiwala
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا قِيلَ لَكُمْ تَفَسَّحُوا فِي الْمَجَالِسِ فَافْسَحُوا يَفْسَحِ اللَّهُ لَكُمْ ۖ وَإِذَا قِيلَ انْشُزُوا فَانْشُزُوا يَرْفَعِ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ وَالَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ دَرَجَاتٍ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay pinagsabihan na maglaan ng lugar sa mga pagtitipon (magsikalat kayo) at magbigay ng puwang. Si Allah ang magkakaloob ng (sapat) na lugar sa inyo (mula sa Kanyang Habag). At kung kayo ay pagsabihan na tumindig (sa pagdarasal, sa Jihad [banal na pakikipaglaban], o sa anumang mabuting bagay), magsitindig kayo. Si Allah ang mag-aangat ng (akmang) hanay (at antas) sa inyo na sumasampalataya at sila na pinagkalooban ng karunungan. At si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَاجَيْتُمُ الرَّسُولَ فَقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَةً ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لَكُمْ وَأَطْهَرُ ۚ فَإِنْ لَمْ تَجِدُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay (nagnanais) na sumangguni sa Tagapagbalita (Muhammad) sa pribado, gumugol kayo ng anuman sa kawanggawa bago ang inyong pribadong pagsangguni. Ito ay higit na makakabuti sa inyo at higit na mainam upang dalisayin (ang inyong pag-uugali). Datapuwa’t kung kayo ay hindi makatagpo (ng kakayahan dito), katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
أَأَشْفَقْتُمْ أَنْ تُقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَاتٍ ۚ فَإِذْ لَمْ تَفْعَلُوا وَتَابَ اللَّهُ عَلَيْكُمْ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ
Kayo baga ay nangangamba na gumugol sa kawanggawa bago ang inyong pribadong pagsangguni (sa kanya)! Magkagayunman, kung ito ay hindi ninyo nagawa at si Allah ay nagpatawad sa inyo, kung gayon (sa pinakamagaan na paraan), kayo ay mag-alay ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salah); at magbigay ng Zakat (katungkulang kawanggawa) at sundin ninyo si Allah (alalaong baga, gawin ninyong lahat ang ipinag-uutos ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita). At si Allah ang Lubos na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa

Choose other languages: