Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #72 Translated in Filipino

قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَسْتُمْ عَلَىٰ شَيْءٍ حَتَّىٰ تُقِيمُوا التَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ ۗ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ طُغْيَانًا وَكُفْرًا ۖ فَلَا تَأْسَ عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ
Ipagbadya (O Muhammad): “O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Kayo ay walang masasabing angkin (kung tungkol sa patnubay) hangga’t kayo ay hindi gumagawa ng ayon sa Torah (mga Batas), sa Ebanghelyo, at sa ipinanaog (ngayon) sa inyo mula sa inyong Panginoon (ang Qur’an).” Katotohanan, ang ipinanaog sa iyo (Muhammad) mula sa iyong Panginoon ay nakapagdagdag sa karamihan sa kanila sa katigasan ng kanilang ulo sa paghihimagsik at kawalan ng pananalig. Kaya’t huwag kang malumbay hinggil sa mga tao na hindi sumasampalataya
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئُونَ وَالنَّصَارَىٰ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Katotohanan, ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad at sa lahat ng ipinahayag sa kanya mula kay Allah), ang mga Hudyo at mga Sabiano at mga Kristiyano, - sinumang manampalataya kay Allah at sa Huling Araw at nagsigawa ng kabutihan, sa kanila ay walang pangangamba, gayundin naman, sila ay hindi mahahapis. (Ang talatang ito ay sinusugan ng Surah 3:85, matapos ang pagdatal ni Propeta Muhammad, wala ng ibang pananampalataya ang tatanggapin ni Allah sa sinuman maliban sa Islam)
لَقَدْ أَخَذْنَا مِيثَاقَ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَأَرْسَلْنَا إِلَيْهِمْ رُسُلًا ۖ كُلَّمَا جَاءَهُمْ رَسُولٌ بِمَا لَا تَهْوَىٰ أَنْفُسُهُمْ فَرِيقًا كَذَّبُوا وَفَرِيقًا يَقْتُلُونَ
Katotohanang Aming kinuha ang Kasunduan ng Angkan ng Israel at nagsugo sa kanila ng mga Tagapagbalita. Sa anumang panahon na may dumaratal sa kanila na isang Tagapagbalita na hindi nila ninanais sa kanilang sarili, - may isang pangkat sa kanila na tumatawag sa kanila na mga sinungaling, at ang iba naman sa lipon nila ay kanilang pinatay
وَحَسِبُوا أَلَّا تَكُونَ فِتْنَةٌ فَعَمُوا وَصَمُّوا ثُمَّ تَابَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ثُمَّ عَمُوا وَصَمُّوا كَثِيرٌ مِنْهُمْ ۚ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا يَعْمَلُونَ
Nag-aakala sila na walang magiging Fitnah (pagsubok o kaparusahan), kaya’t sila ay naging bulag at bingi; makaraan nito, si Allah ay bumaling sa kanila (ng may pagpapatawad); datapuwa’t muli, marami sa kanila ang naging bulag at bingi. At si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng kanilang ginagawa
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ ۖ وَقَالَ الْمَسِيحُ يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۖ إِنَّهُ مَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ حَرَّمَ اللَّهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ ۖ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ
Katotohanang hindi sumasampalataya ang mga nagsasabi: “Si Allah ang Mesiyas (Hesus), ang anak ni Maria.” Datapuwa’t ang Mesiyas (Hesus) ay nagsabi: “O Angkan ng Israel! Sambahin ninyo si Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon.” Katotohanan, ang sinumang nagtataguri ng mga katambal sa pagsamba kay Allah, kung gayon, si Allah ay magkakait sa kanya ng Paraiso at ang Apoy ang kanyang magiging tirahan. At sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, buhong, tampalasan), sila ay walang magiging kawaksi

Choose other languages: