Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #72 Translated in Filipino

وَكَيْفَ تَصْبِرُ عَلَىٰ مَا لَمْ تُحِطْ بِهِ خُبْرًا
At paano ka (Moises) magkakaroon ng pagtitiyaga tungkol sa bagay na hindi mo nalalaman?”
قَالَ سَتَجِدُنِي إِنْ شَاءَ اللَّهُ صَابِرًا وَلَا أَعْصِي لَكَ أَمْرًا
Si Moises ay nagsabi: “Kung pahihintulutan ni Allah, iyong makikita ako na matiyaga at sa anumang bagay ay hindi kita susuwayin.”
قَالَ فَإِنِ اتَّبَعْتَنِي فَلَا تَسْأَلْنِي عَنْ شَيْءٍ حَتَّىٰ أُحْدِثَ لَكَ مِنْهُ ذِكْرًا
Siya (Khidr) ay nagsabi: “Kung gayon, kung ikaw ay susunod sa akin, huwag kang magtanong sa akin ng anuman hangga’t hindi ako ang magsasabi sa iyo.”
فَانْطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا رَكِبَا فِي السَّفِينَةِ خَرَقَهَا ۖ قَالَ أَخَرَقْتَهَا لِتُغْرِقَ أَهْلَهَا لَقَدْ جِئْتَ شَيْئًا إِمْرًا
Kaya’t sila ay kapwa nagpatuloy hanggang nang sila ay nasa loob na ng barko, kanyang (Khidr) binutasan ang barko. Si Moises ay nagsabi: “Binutasan mo ba ito upang malunod ang kanyang mga sakay?” Katotohanang ikaw ay gumawa ng Imra, isang Munkar (masama, buktot, kalagim-lagim, buhong) na bagay.”
قَالَ أَلَمْ أَقُلْ إِنَّكَ لَنْ تَسْتَطِيعَ مَعِيَ صَبْرًا
Siya (Khidr) ay nagsabi: “Hindi baga sinabi ko na sa iyo na ikaw ay hindi makakapagpasensiya sa akin?”

Choose other languages: